Hindi lang ako 'yong kaibigan,
Na masasabihan sa tuwing iyong kailangan,
Hindi lang iyong kaibigan na maituturing,
Kung alam mo lang, ako rin 'yong kaibigan napapraning,
Napapraning kapag sa tuwing ika'y nasisilayan,
Maging wala ka o sa tabi'y nand'yan.Ako'y iyong kaibigan na kasing linaw ng tubig,
Kaibigan mong sayo'y umiibig.
Hindi man masabi ng bibig,
Pero puso ko ikaw ang pintig.
Na hindi mo marinig,
Hiling sa tuwinay iyong madinig ang sigaw ng pusong ikaw ang pinipintig.Magkasama nga't hindi na halos mapaghiwalay,
Yaring mga laman ng kanta sa'yo inaalay.
Hay, puso'y kay lumbay,
Bakit itong aking kaibiga'y walang kamalay malay.
Napapatingin nalang sa mga bituin sa labas ng bahay,
Kung saan lagi tayong nakatambay.—1reallaoan
BINABASA MO ANG
Mga Munting Tula
Poesía#MgaMuntingTula Sa bawat Pahina may iba't ibang nakapaloob na Tema. 1. Guro 2. Hugot 3. Pagkabigo Part I 4. Pagkabigo Part II 5. Kaibigan Part I 6. Plano ng Panginoon Part I 7. Plano ng Panginoon Part II 8. Kape 9. Yelo 1o. Kahibangan 11. Buwan, Aki...