Nag-aalinlangan?
Masyadong puno ang isipan?
Naghahanap nang kasagutan?
Sa mga tanong na, ano? Saan? Sa anong paraan?
Magkaminsan tayo'y nakatingin nalang sa kawalan,Hindi na alam kung sinong pupuntahan at kung sinong lalapitan,
Iniisip natin na baka tayo'y ipagtabuyan,
Sigawan at pagsarhan ng pintuan,
Baka sa mga daan tayo'y iwasan,
Hindi ba iniisip palang tayo na'y nasasaktan?Tila ubos na din ang kalakasan,
Hindi na rin makahakbang sa dami nang pasan,
Problema'y tila hindi lumiliban,
Parang daan walang katapusan,
Pagtangis ang siyang karamay na inaasahan,Sa panahon nang kapighatian,
Tayo'y binabalot nang kalungkutan,
Pinapangunahan nang pag-aalinlangan,
Wari ko'y ika'y may nakaligtaan,
Na mayro'n sagot at lunas sa binabagabag na kalooban,Ito'y hindi malayong matagpuan,
Gaya ng panyo luha'y pupunasan,
Gaya ng silya'y magiging sandalan,
Tulad ng karamdaman mayro'n kalunasan,
Kahalintulad nang kahinaan mayro'n kalakasan,PANALANGIN ang siyang maging sandigan kaibigan,
PANGINOON ang siyang lapitan,
Mula sa kalangitan,
Tiyak ika'y Kanyang pakikinggan,
Kalunasan ay matatagpuan...
Kasagutan ay makakamtan.
—1reallaoan

BINABASA MO ANG
Mga Munting Tula
Poesía#MgaMuntingTula Sa bawat Pahina may iba't ibang nakapaloob na Tema. 1. Guro 2. Hugot 3. Pagkabigo Part I 4. Pagkabigo Part II 5. Kaibigan Part I 6. Plano ng Panginoon Part I 7. Plano ng Panginoon Part II 8. Kape 9. Yelo 1o. Kahibangan 11. Buwan, Aki...