13-Paghihintay

7 2 0
                                    

Heto 'yung malalang sakit,
Mali na pero masyado kang makulit,
Mali na pero masyado mong ipinipilit,
Dahil d'yan panigurado ang sakit,
Maging puso't isip ay nakakaramdam ng hinanakit.

Huwag panghinayangan ang walang kabuluhan,
Huwag kasing isarado ang isipan,
Sa sarili dapat ay naglalaan,
Sarili'y bigyan naman ng kahalagahan,
Dahil 'yong tamang tao sayo'y inilalaan.

'Wag magmadali,
Hintayin 'yong sayo'y pinili,
'Yong inilaan sa'yo na hindi pangsandali,
Tamang tao'y sa'yong piling ay mananatili,
'Yong makakasama mo magpahanggang sa huli.

Maniwala sa God's will,
'Yung tipong everything is well,
Dahil in God's perfect time,
Everything will be fine,
Hindi ka na mapapamind.

—1reallaoan

Mga Munting TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon