Kaibigan, ano ba ang salitang kaibigan?
Kaibigan, ano bang papel ng kaibigan?
Sino ang tinutukoy na kaibigan?Ang salitang kaibigan ay maraming kahulugan,
Meron itong pinapatunayan at malalim na kaugnayan.Sila yung ating kadramahan, ating sumbungan at kadalasan ating takbuhan,
Hindi ba para tayong bata at nagsusumbong pa sakanila?Hindi ko kailangan marinig ang salitang kaibigan,
Kung hindi naman maramdaman... edi tawag doon ay kaplastikan, diba?Pansin niyo kaya yung iba bakit isa, dalawa o tatlo lang kaibigan niya?
Sila kasi yung taong mapili sa kinikilala.Iba't iba tayo ng kinakaibigan,
Kaya iwasan nating basta-basta nalang nagbibintang.
O kaya nagsasalita ng walang kabuluhan.
Dahil sila, gusto lang nilang makasumpong ng kagaanan ng nararamdaman.Ikaw rin ba yung naghahanap ng
kaibigan?
Yung hindi ipaparamdam sayo ang salitang KAIBAHAN
Yung kaya niyang manindigan kahit hindi niya mabigkas ang salitang 'Ito ang aking Kaibigan'Kapag sagot mo ay 'Oo' pareho kayo ng Manunulat na ito.
—1reallaoan
BINABASA MO ANG
Mga Munting Tula
Poetry#MgaMuntingTula Sa bawat Pahina may iba't ibang nakapaloob na Tema. 1. Guro 2. Hugot 3. Pagkabigo Part I 4. Pagkabigo Part II 5. Kaibigan Part I 6. Plano ng Panginoon Part I 7. Plano ng Panginoon Part II 8. Kape 9. Yelo 1o. Kahibangan 11. Buwan, Aki...