Kalikasan,
Nakalimutan na ito ay munting din tahanan,
Naririto ang mga tao, hayop at halaman,
At ito rin ay ating pinagkukunang yaman,
Na ating pinakikinabangan,Napapatag na ang dating mataas na bundok,
Dating sariwang hangin ngayon ay may kasama ng kimikal na may usok,
Mga lupa ay nagiging marupok,
Maliit na apoy ang kagubatan ay kayang matupok,
Daan, ilog at dagat napupuno ng basura ang bawat sulok,Pa iba ibang klima ay nararanasan,
Na ang bunga ay naglilipanang mga karamdaman,
Bakit ang pinagkaloob na kalikasan ay pinapabayaan?
Kadalasan nagtatapon sa kung saan-saan,
Parang hindi alam ang tamang tapunan,Sunog, buhawi, lindol, tsunami at bagyo,
Sari-saring dilubyo,
Na siyang bumabalot sa'ting mundo,
Pangunahing gawa ng mga tao,
Tila hindi pa rin nadala at natuto,Ang pangyayari sa ngayon ay huwag isa walang bahala,
Tayo'y sama-sama dapat lamang may pagkakaisa,
Nang hindi na magdusa,
At hindi na maulit ang pagluha,
Isa puso't isip ang salitang DISIPLINA,Alalahanin ang DIYOS na naglalang,
Kalikasan na munti na'ting tahanan dapat pangalagaan at pagkaingatan,
Ako't ikaw ay may pananagutan,
Pag-iingat ay ating dapat lamang gampanan,
Linisan at kulayan nang makita ang kagandahan at kasiglahan ng ating munting KALIKASAN.
—1reallaoan
BINABASA MO ANG
Mga Munting Tula
Poetry#MgaMuntingTula Sa bawat Pahina may iba't ibang nakapaloob na Tema. 1. Guro 2. Hugot 3. Pagkabigo Part I 4. Pagkabigo Part II 5. Kaibigan Part I 6. Plano ng Panginoon Part I 7. Plano ng Panginoon Part II 8. Kape 9. Yelo 1o. Kahibangan 11. Buwan, Aki...