11-Buwan, Aking Kamahalan

11 5 1
                                    

Masdan mo ang kalawakan,
Kita mo ba yang buwan?
Pakamasdan mo ng maigi ang buwan
  aking kamahalan,
Ang buwan na 'yan sa lawak ng
  kalawakan,
May isang bukod tanging buwan na
  namamasdan.

Buwan na napapaligiran ng bituing
  nagniningning,
Tulad mong kay hirap maangkin,
Tanging laman ng aking dalangin,
Yung ika'y makapiling,
Na sana ako'y yung mapansin,
Yung hindi lang hanggang tingin,
Yung mamasdan ka ng malapitan na halos maduling.

Imposibleng isang tulad mong buwan
  ay makasama, mahawakan at
  mahagkan.
Possible lang ay ika'y aking masdan,
Pagpapantasya nalang sa'king isipan,
Buwan, kahalintulad ka sa palasyo na
  ikaw ang kamahalan,
Pamahalaan na ikaw ang bukod
  tanging kamahalan.

—1reallaoan

Mga Munting TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon