16-Sana kung puwede na, p'wede pa

6 1 0
                                    

Para sa taong nand'yan para sa'yo,
Pero binabalewala mo,
No'ng handa ka na,
Siya naman 'yong wala na.

Mahirap balikan,
Kahi't 'yong nakaraan,
Parang bakas ng bagyong dumaan,
Parang hangin 'di nakita kung saan dumaraan.

Parang ayaw ng maulit,
Sakit na sa'kin ay nakaukit,
Mahirap magpumilit,
'Di makasabi ng saglit.

Sana 'di na nabahala,
Nang hindi ganito kalala,
Hindi sana ganitong paraan, humantong,
At 'di sana ngayon napatatanong.

Mga tanong sa nagdaang kahapon,
Nakaraang halos patapon,
Parang nilalamon ng alon,
Paano naman kaya makakaahon?

Sa bawat sandali ako'y naghihintay,
Kahi't paligid ay mawalan ng ingay,
Kahi't ako ay nalulumbay,
Ikaw paring siyang tunay.

Nagbabasakali sa salitang pwede,
Na sana kung pwede na,
Ay pwede pa,
Kahit napakaimposible na.

Ang kahapon ay parte ng nakaraan,
Ang nakalipas ay 'di na mababalikan,
At hindi rin kayang palitan,
Ang pwede lang ay alalahanin sa'tin isipan.

—1reallaoan

Mga Munting TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon