21-Crush na suplada

2 1 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa'yong pagtataray,
Patay, puso ko'y may tama at ako'y hindi mapalagay,
Hindi lamang 'yon dahil puso pa'y natangay,
Magreklamo kaya ako sa baranggay?

Kahi't gano'n na ikaw ay luklukan ng sungit,
Ikaw pa rin ay 'di kapalit-palit,
Love without limits maging mata man ay singit o pikit,
Kung ikaw ang kapalit sa lahat ng hirap ay sulit at higit,

Pansin ko lang,
Parang sa'kin ay may kulang,
Saking sasabihin ay huwag sanang mailang,
Mahal kita, higit sa brayang 'di nagkukulang,

Hindi rin papait na kahalintulad ng ampalaya itong aking nadarama,
Tiyak, at siguradong ikaw lang din sa'king puso ang nag-iisa,
Kaya crush na suplada wala kang dapat ipangamba,
Ipaparamdam ko sa'yo ang tunay na pagpapahalaga.

—1reallaoan

Mga Munting TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon