14-Crush na suplado

5 1 0
                                    

Crush na suplado sana'y pansinin mo naman,
Ang nararamdaman sayo'y nakalaan,
Mga salita ko'y hindi mabitawan,
Sakit sana'y maibsan ng... kahit minsan,
Dahil ang nararamdaman parang daan na walang katapusan,
Hindi na alam kung saan ang patutunguhan.

Ika'y ubod ng pagiging suplado,
Dagdag pa ang nakakunot mong noo,
Mukhang walang salitang biro sa vocabularyo mo,
Tapos lagi kapangnakadiwatro kung umupo,
Suot mong pulo ay nakatupi hanggang sa siko,
Memoryado ko na ang kilos, ugali at pati anggulo,
Maging ang ayaw at iyong gusto.

Hayst, nasasaktan ako ng husto,
Alam mo ang talino mo ang kaso hindi mo makita ang halaga ko,
Gusto kong itanong kung mata mo ba'y malabo?
Nando'n na 'yong simbolo,
Parang mapa ng mundo,
Hindi ka na sana malilito.

—1reallaoan

Mga Munting TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon