Libro,
Hindi libro ng Ingles, Aralin Panlipunan o 'di kaya'y Filipino,
Hindi rin Matematika o Siyentipiko,
Kundi libro na hindi ko aakalaing kahihiligan ko,Aminado akong walang interest sa kahi't anong libro,
Pero itong librong ito ang siyang kinahihibangan ko,
Dahil sa librong ito napapadalas ang pagpupuyat ko,
Na ang bunga ay tigyawat sa mukha ko,Para sabihin ko sa'yo... hindi lang ito basta libro,
Dahil sa librong ito nakilala ko ang mga hindi ko aakalaing bubuo ng araw at gabi ko,
Mga lalaking nagpatunay ng pagkaiba ng salitang 'Mahal at Gusto',
Mga lalaking bihira nalang sa ating mundo,
Dahil sila ay mula lamang sa mga libro.—1reallaoan
BINABASA MO ANG
Mga Munting Tula
Poesía#MgaMuntingTula Sa bawat Pahina may iba't ibang nakapaloob na Tema. 1. Guro 2. Hugot 3. Pagkabigo Part I 4. Pagkabigo Part II 5. Kaibigan Part I 6. Plano ng Panginoon Part I 7. Plano ng Panginoon Part II 8. Kape 9. Yelo 1o. Kahibangan 11. Buwan, Aki...