No sign of Russell -____-

191 5 0
                                    

Chapter 9: No sign of Russell

Russell's POV

Maaga ako nagising may photoshoot kasi ako mamaya kaya di ako makakapasok ngayon.. Di ko makalimutan yung kahapon. Ang saya niya kasama. Habang naaalala ko yun napapangiti ako ewan ko kung bakit...

Ang galing niyang kumanta.. Parang tinamaan naman ako sa kanta niya, parang may meaning..

Kaya lang, hindi ko siya nasabayan kasi badtrip ako eh..

                     (Flashback)

Pumunta ako sa isang restaurant para mag breakfast wala kasing nagluluto sa condo, hindi naman ako marunong..

Habang kumakain ako, may pumasok sa pintuan.. nakita ko agad sila..

Alyssa with that James. -_____-

nawalan na ako ng gana..

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.. nagtext si Alyssa.

Frm: Krisha

|Badmorning :@

 walang makain, aga aga kainis! >,<

Penge nga Food. Jk :">

Home alone. :(

GM./ Gwapomokoya :">

- end of text-

yun saved by the text.. aalis na ako dito. hindi ko gusto ang nakikita ko.

Nagdidilim ang paningin ko. Shit! masakit parin. Knowing that she was the only ONE I ever dreamed of as a wife. :(

Lahat ng pangarap ko kasama siya.. wala na. 

Akala ko masaya kami.... pero ako lang pala. -___-

bago pa ako tuluyan mainis umalis na ako pero dumaan ako sa isang mini resto para mag take out ng pagkain.. Oo pupuntahan ko si Krishia.

Pagnakikita ko kasi siya gumagaan ang pakiramdam ko, bawat ngiti niya parang nawawala problema ko, kita mo kasi sa mga mata niya na masaya siya walang pinoproblema kaya parang nakakarelax siyang kasama..

Alam ko naman bahay nila eh.. nung isang araw kasi pumunta ako sa registrar naka pa skill pala dun lahat ng scholars pati pesonal Info nila nakita ko dun si Krishia kaya ayun.

Siguro ang swerte ng magiging boyfriend nito.

           (End of Flashback)

Habang kinakantahan niya ako kahapon napatingin siya sakin, dun ko na realize na maganda pala talaga siya..

Maputi, di katangkaran, tama lang ang katawan, tapos may dimples pa.. 

Tinitigan ko siya sa mga mata niya parrang may sinasabi ang mga ito pero hindi ko malaman kung ano,

Para siyang may magic kasi kahit na hindi pa niya ako lubusan kilala alam niya pag may problema ako, katulad siya ni Mom nararamdaman din pag malungkot ako..

Tapos ang nakakagulat pa dun nag RAP siya. WTH natatawa ako hindi ko akalain marunong siya nun ako kasi hindi marunong mag rap.. Para siyang na possess kahapon habang kumakanta pero okay lang, nakalimyan ko naman mga problema ko eh kahit panandalian lang..

Makaligo na nga baka ma late pa ako.

---

Krishia's POV

My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon