Stephen Montereal

151 5 2
                                    

Chapter 14: Stephen Montereal

**

Mabilis na lumipas ang araw.. Mag i-isang linggo narin pala nang ako ay pumayag na mag pretend na Girlfriend ni Russell... At ngayon tulala parin ako, hindi ko parin kasi alam kung tama ba talaga ang ginawa ko..

Naikwento ko na rin ang tungkol dito kay Sammy, nung una nagulat siya tapos tawa na siya ng tawa, ang ganda daw kasi ng Joke ko. -___- Baliw siya. Kung ayaw niya maniwala di wag.

Bukas na din pala ang dating ng Dad ni Russell from Germany pero itong si Russell hindi manlang nagsasalita tungkol dito. :( Baka hindi naman tuloy? Ewan bahala siya hindi dapat ako namomroblema sa Dad niya.

Shiiz. I'm so stressed out.

Hindi ako pumasok ngayon.. Okay lang yan wala namang pasok bukas eh.. Si Mama umalis kahapon for 1 year kaya ako ganito. T___T sa Spain muna daw siya magta-trabaho eh.. Andun kasi yung Mother Company nila Papa.. sinusubukan niya kung kaya niya mag manage.. Eh pano naman ako T__T ako lang maiiwan dito.. -___- Haaay Stressed na Depressed pa

Ano kayang magandang gawin?

Magmall nalang kaya ako.. Tama mag mall nalang ako ^^ Big girl na ko kaya ko na to kahit wala si Mama..

Tawagan ko nalang si Sammy para may kasama ako.. Ay! Di pala pwede may pasok ngayon absent lang naman ako.

So I guess... I'll be on my own again.. Haaays

Pagkadating ko sa mall tingin tingin lang ako.. Wala naman akong bibilhin ehh.. nagpapatanggal stress lang ako.

Makapag timezone nga. ^_____^ Magbabasketball ako.. Wahaha..

Shemay nakaka 12pts palang ako 5 secs nalang. -___-

03.. may umagaw ng last ball sakin.. -__-

02..

01... Shoot!

Badvibes inagawan ako ng bola? 

"Ano ba yan! Ang dami daming pwedeng paglaruan dito pa! Nang agaw pa ng bola."  masungit kong parinig hindi parin ako lumilingon sakanya

"Sungit mo naman." pamilyar ang boses niya kaya naman tinitigan ko na siya.

"Stephen?" tanong ko.

"right." sabi niya mala Russell na siyang sumagot ngayon ah..

"Anong ginagawa mo dito? bakit di ka pumasok?" tanong ko.

"eh ikaw bakit di ka pumasok?" binalik niya ang tanong sakin

"eh depressed ako eh." sabi ko.

"Lovelife?" tanong niya

"No. Di uso sakin yun noh."

"Owwss. Wala ka bang kasama?" tanong niya

"Wala"

"tara samahan mo nalang ako." sabi niya

"Okay. ^__^" pumayag na ako wala rin naman akong kasama eh.

At ayan naglaro ulit kami ng basketball , nag toy catcher din kami.. nakakuha siya ng maliit na stufftoy at binigay niya sakin. ^___^ ang cute..  Nag drumania din kami.. Galing niya mag drums. ^___^ OMG ang daming nanunuod sakanya.. Knowing na basketball player siya tapos ang galing pa niya mag drum? lakas lang ng appeal eh.. Gwapo niya pala ^_____^ 

Pagkatapos mag laro, kumain muna kami sa isang restaurant. TREAT niya daw..

Pumayag ako. ^___^ gutom na ako eh.. Friends na din naman na kami.. 

"Order ka." sabi niya

"ikaw nalang, pilian mo nalang ako ng masarap." sani ko

after 15 mins...

At ayan dumating na yung order namin ^___^ Hmmmm mukhang masarap

"kung alam mo lang matagal na kitang hinahanap." halos pabulong na niya yun sinabi..

"ha?" 

"Eto matagal ko ng hinahanap." sabi ni stephen habang nakaturo sa pagkain.. 

"Ah.. Okay.. kain na tayo. ^____^" sabi ko.

tapos kumain na kami...

Ang sarap grabee.. kaparehas ko siya ng taste pagdating sa foods.. parang si Russell din. ^___^

Aissh. Speaking of Russell -___- Bwisit siya nakahanap lang siya ng tutulong sakanyan di na nagparamdam.. Kampante na e.

at bakit nga naman siya magpaparamdam eh im Just his FAKE GIRLFRIEND. -____- It sucks.. 

"Oh nag sasalubong kilay mo." sabi ni Stephen.

aish napansin niya pala yun..

"Mainit kasi masyado yung soup." Pagdadahilan ko.

"ah" 

Hapon nadin pala.. Bukas na pala dadating yung Dad ni Rus- ay Krishia forget him! Kung siya nga walang pakialam sa tatay niya eh.

"Uwi na ko." paalam ko sakanya

"Hatid na kita." pag aalok niya.

"No need, andiyan mga Fans mo oh.. baka patayin pa nila ko." sabi ko nalang.. ang dami kasi nakatingin samin from the window.. Halatang nanlilisik yung mga mata ng babae sa galit. Hahaha. Sikat din pala siya.

"Kaya nga hahatid na kita eh." sabi niya

"Okay." sabi ko

wala ako sa mood makipag talo.. for sure maraming alam to na dahilan para mapapayag ako.. tulad lang nung last time -__- sa park.. sinabi pang may pinatay sa kanto para lang mapapayag ako. tsss.. 

Pagkatapos ay hinatid niya ako.. Syempre sa kanto lang ulit ng bahay namin.

"Thanks ^___^" sabi ko kay Stephen.

"next time ulit ha." sabi niya

"sure." sabi ko 

Then umalis na siya

Naglakad ako papuntang bahay..

Napahinto ako bigla.. Nandun yung 'Lumang Kotse na mukhang bago naman' ni Russell? What is he doing here?

Buti nalang wala ng masyadong tao.

Pagdating ko sa gate namin nakatayo lang siya dun..

"San ka galing?" seryosong tanong ni Russell sakin.

At aba? siya pa may ganang magsungit. samantalang siya 'tong hindi nagpaparamdam..

"Lumabas lang." sabi ko.

"May problema ba?" tanong niya

"Oo MADAMI" sabi ko.

"Can we get in?" tanong niya

Kaya naman binuksan ko na yung pinto, asan ba ang manners ko kung hindi ko siya papapasukin diba.

Pagpasok namin sa bahay.

"Hey Russell, Ano ba?!" bumilis ang tibok ng puso ko habang pinipilit ko siyang ilayo sakin.. Bigla niya kasi akong niyakap.

My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon