For real?

98 2 0
                                    

Chapter 28: For real?

Ito na ang huling araw ko sa bahay ngayon, bukas kasi lilipat na ako sa Condo ni Russell. Medyo nakakaramdam ako ng kaba at may halong excitement narin. Ikaw ba naman imaginine mo ngang makakasama mo yung crush mo palagi? Ughhh ^__^ Saka ko na nga lang muna yan iisipin.

-

-

"Ishaaa" biglang may sumigaw habang naglalakad ako sa may freedom park sa school.

"Oh Sammy!Kamusta kana?" saka ako nag wide smile

"Eto okay naman girl. Parang ang tagal natin hindi nagkita eh?hahaha.." sabi niya

"Eh ikaw lang naman Sammy eh.. Palagi nalang ata kayo magkasama ni Stephen eh? Umamin ka nga!" medyo natatawang sabi ko saknya.

"Anong aaminin ko? We're just friends" sabi pa niya with hand gestures.

"Nako, baka mamaya kayo na pala hindi ka lang nagsasabi sa akin." Sabi ko na may halong pagtatampo ang tono..

"Hindi ah.. Ikaw talaga kung anu anong naiisip mo..tara na nga pumasok na tayo."

----

Sammy's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Stephen or Should I call him Pen, siya pala ang kababata namin si Krishia 9-10 years ago, I can't remember well napaka tagal na kasi nun. Basta ang alam ko siya ang sumagip sa buhay ni Isha nung muntikan na siyang masagasaan ng truck.

Ewan ko kung bakit hindi ito maalala ni Isha pero ang alam ko nagkaroon siya ng major head injury ng mga panahong yun. Sila Stephen naman at ang kanyang mommy ay umalis para magtungo sa ibang bansa dahil nakapag asawa na ito at niyaya sila na doon na tumira. Iyon ang huli kong pagkakatanda kay Stephen Montereal. Gustong gusto ko sabihin kay Isha na Si Stephen ang kababata namin pero nakiusap ito na wag muna.. Dahil kampante itong maaalala siya ng Isha.

"Sammy!! Tulala ka!" sigaw ni Krishia habang naka kunot ang noo.

"Ay Sorry! Hindi lang kita napansin, ano nga ulit yung sinasabi mo?" sa sobrang dami kong naaalala nakalimutan ko na na kasama ko pa pala si Krishia ngayon.

"Sabi ko, anong plano mo sa summer."nagtatakang tanong ni Krisha

"Ah siguro pupunta muna ako ng Boracay, dun nalang muna ako." sabi ko sabay ngumiti. Iyon nalang muna ang gagawin kong dahilan kay Isha, ang totoo kasi niyan wala pa akong plano o balak man ngayong bakasyon, gusto ko lang talagang mapag isa.. Simula kasi nung malaman kong Nagkaroon na ng Girlfriend si Josef naging ganito na ako.. 2 years narin kaming wala but He still have the impact on me.. Mahal na mahal ko parin.. But I guess It's time to move on.. 2 years is enough para magmukmok.. And besides he was the one who cheated on me.. Walang alam si Isha dito, at wala akong balak sabihin sakanya.. 

Nakadagdag pa sa problema ko kung pag amin ni Stephen.. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi naman totoong mag girlfriend/boyfriend si Russell at Krishia.. dahil alam kong magkakagulo sila.. nakikita ko kasi na gusto ni Stephen si Krishia.. Mas pipiliin ko nalang muna na lumayo at manahimik ngayon..Everything has a right time..

*clap clap* May biglang pumalakpak sa mukha ko para makuha ang atensyon ko.. Si Isha pala nagsasalita..

"Ay ano nga ulit yun?" tanong ko sakanya..

"Sabi ko, ako hindi mo ba ako tatanungin kung anong plano ko?" tanong niya na hatala namang medyo naguguluhan na sa ikinikilos ko.

"A-ano ba yung plano mo ngayon girl?" pinilit kong maging normal.

"Hmmm.. Dun na ako kela Russell titira." Kampanteng sagot niya..

"Ahh... ANO??! BAKIT DUN KA KELA RUSSELL TITIRA MAY BAHAY NAMAN KAYO, PAANO KAPAG NABUNTIS KA NUN? NAKO ISHA TIGIL TIGILAN MO AKO SA KAHIBANGAN MO, HINDI PORKET CRUSH MO YUN EH ISUSUKO MO NA ANG BATAAN, OO MAYAMAN SIYA AT ALAM KONG KAYA KA NAMAN NIYANG BUHAYIN PERO ISHA NAMAN.. SANA ALAMIN MO MUNA KUNG MAHAL KA TALAGA NIYAN." Halos pasinghal kong sabi sakanya.. Ano bang nangyayari sa babaeng ito kung anu ano na pumapasok sa isip. tsss.

"Teh, Kalma!" sabi niya habang hinahagod ang likod ko " Anong bataan ang pinagsasasabi mo diyan? As if naman ibigay ko to sakanya eh ni hindi nga kami mag boyfriend girlfriend..Saka alam naman to ni Mama.. pumayag siya." Matawa tawang pagpapaliwanag niya

"Si tita papayag? nakakapag taka naman?" Bakit magiging ganun si Tita sakanya eh napaka protective niya pagdating kay Isha

"Oo yun nga din ang pinagtataka ko.. Parang pinamimigay na ako ni Mama.." lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya pagkasabi niya nito..

"Naku girl, hindi naman siguro at nag iisa ka na nga lang anak tapos ipapamigay ka pa niya? Isa pa mahal na mahal ka nun noh." I tried to cheer her up

"Saka sabi ni Mama para naman daw may kasama ako eh.." sabi niya

"Ohh yun naman pala eh.. saka ayaw mo nun kasama mo na palagi si Russell. Basta wag mo muna ibibigay ang Virgi-adssadadssadsa" tinakpan nya ng kamay nya ang bibig ko at nakasalubong na ang kilay niya nakaktawa talaga siya..

"Oo na Sammy.. baka may makarinig pa sayo masyado ka kasing SPG mag isip.. saka magkahiwalay kami ng kwarto noh.." sabi niya

"Oo na basta mag iingat ka bestfriend tawagan mo ako kapag sinaktan ka niyan ah.." saka ko hinug si Isha

"Oo naman. Asa naman siyang masaktan niya ako, eh hindi naman kami mag girlfriend/boyfriend." sabi niya..

-----

Krishia's POV

Wala naman masyadong ginawa ngayon Last day na kasi.. Buti nalang at Summer na bukas wooooOO! ^_^ Makauwi na nga sa bahay.. 

**

"HALAAAAAAAAAAAAAAA!!! Nanakawan ba kami?? TT___________TT

-----

[A/N]:

2 updates in one day. Kpalit ng months na hindi ko pag uupdate. Thank you for Reading!! :)

Mhialabs

My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon