BAE

114 4 4
                                    

Chapter 22: BAE

Someone's POV:

"Sure ka ba sa nakita mo?"

"Opo ma'am siya po talaga yun."

"Ay nako, pag yan hindi totoo lagot ka sakin."

"Ma'am si sir Russell Sandoval po talaga yung nakita ko."

"sino yung babae? who is that bitch?"

"

yun yung hindi ko pa po alam ma'am."

"Sige, pagbibigyan kita ngayon pero dapat pagbutihin mo ang pag iimbestiga mo. Sa susunod na punta mo I want full details of her! Kilalanin mo yung babae na yun. Understood?!"

"Opo ma'am."

-----

"Wow Girl! ang ganda naman niyan! Arbor" sabi ni sammy

"Tumahimik ka nga! baka may makarinig pa sayo!" halos pabulong ko na itong sabihin kay Sammy nasa room kasi kami ngayon tapos ang ingay ingay pa niya. -_-

"Kanino muna galing yan?" pangungulit niya

tumingin ako sa katabi ko.. si Russell parang nagpipigil ng tawa kaya napa ngiti din naman ako.

"Girl wag ka na magsalita, alam ko na kung kanino galing yan." sabi niya 

nilakihan ko nalang siya ng mata

maya maya pa'y pumasok na yung history prof namin na naging dahilan para bumalik si Sammy sa upuan niya. Haaaay. Pang HS lang ang peg. 

"Okay class dahil next friday na ang final examination niyo, ibibigay ko na ang final project niyo.. Magkakaroon kayo ng 2 days camp. Kumbaga sa loob ng 2 araw hahanap kayo ng Historical place at kailangan malaman niyo ang history ng mga ito kasama ng mga naging karanasan niyo sa lugar. Take pictures of it. Nga pala sa Trevornick woods ang destination niyo."  -Prof

"Individuals or by group?" tanong ni Stephen

"By two's.. at dahil ito narin ang magiging last bonding niyo, kayo na ang bahala mamili ng kapartner niyo." 

Grabe naman si sir maka bonding? parang close kami lahat ah. ang totoo nga pakiramdam ko yung ibang mga babae dito galit sakin pano ba naman lagi ko kasama si Russell pero sabi ni Russell wag ko na daw sila pansinin kaya hindi ko nalang pinapansin yung mga pag paparinig nila sakin.

"By the way, don't worry approved naman ito ng ating principal. Kayo na ang bahala sa mga gagamitin niyo. I know you are all responsible enough for this kind of activity am  I clear?"

"Yes sir." class

shocks sino nanaman kayang kapartner ko? -_-

"Partner tayo"

bigla akong nabuhayan nang marinig ko yung boses niya.. paglingon ko tama nga ako.... Si Russell nga.

"Sure." masaya kong sabi.

*Lunch Break*

"Krishia partner tayo?" may humawak sa kanang balikat ko habang naglalakad ako sa lobby

paglingon ko si Stephen pala.

"Oh stephen ngayon lang kita nakita ah." sabi ko.

"Uy, stephen partner tayo...I'll behave promise. Thankyou."  singit bigla ni Sammy sabay kumapit sa braso ni Stephen.

tumingin ako kay Sammy tapos pinandilatan niya sabay ngumiti. binigyan ko naman siya ng *You-saved-me-look*

"Oh Stephen may kapartner ka na pala eh.. Goodluck sainyo." nakangiti kong sagot.

Hindi naman sa ayaw kong kapartner si Stephen pero kasi naka oo na'ko kay Russell eh. (naks feel na feel maka oo) Buti nalang talaga alam ni Sammy kung kelan siya papasok sa usapan kung hindi baka nadisappoint ko lang tong si Stephen.

"Oo nga eh. hehe..." sagot ni Stephen habang nagkakamot ng ulo.

"Oh tara sabay sabay na tayo mag lunch." yaya ni Sammy

nauna na maglakad si Stephen 

"You owe me one Sundae." bulong ni Sammy saka ako kinindatan,

Natawa naman ako sa ginawa ni Sammy kaya tumango nalang ako.

Loko talaga tong babaeng ito, pero mahal na mahal ko yan si Samantha

------

bakit kaya wala si Russell?

maitext nga.

Me: where are you?

Sent.

after 3 mins bago nagreply,

Russell: Can't attend last subject. Photoshoot today.

awts. so hindi ko pala siya makikita.

Me: Okay take care. Bae

sent.

what the F did i just sent? BAE?!

Sungit calling...

patay tayo diyan.

"Hello." sabi ko.

(Ano yung bae?)

"wala napindot ko lang."

(Tss... Ano nga?)

"Language namin yung sa probinsya ibig sabihin nun mabait ka."

(Okay see you tomorrow...Bye)

"Bye"

Tae! ano ba yang sinend ko?! pero atleast nakalusot ako. naniwala naman siyang language yun sa probinsya. haha.

Well for me BAE is:

B - Before   

A - Anyone

E - Else

from now on yun nalang itatawag ko sakaniya. tutal hindi naman niya alam eh.

haha.

BaeBae Russell. >_<

----

[A/N]: 

Oh ayan nag update na po ako. Mag uupdate ako pag may time ako. well second sem na kasi kelangan mag aral ng mabuti. By the way, naka draft na yung next chapter maganda yun. Abangan ang mga susunod na pangyayari. hahaha. Enjoy guys.

Follow me on Twitter: @IloveAmbeerr

Facebook: Princess Amber Reyes

Spread the word.

MY ULTIMATE CRUSH


My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon