Kelan mo balak sabihin?...

118 2 1
                                    

Chapter 26: Kelan mo balak sabihin?...

Rest day ko ngayon, hayy salamat naman at makakapag pahinga narin ako. Lately kasi nagiging busy na ako sa school. Ang hirap kasi maging scholar sobrang demanding ng mga prof pag hindi alam sagutin ng mga classmates mo sayo naman ibaballik ang tanong -__- aishh... kaya kelangan lagi ako nag aadvance reading...

nalalapit narin ang aming sembreak at malapit na rin ang aking 18th  birthday. Yes naman 18 na ako. Legal age na, pwede na rin akong makasuhan!haha.. ano ba yan bakit ganyan mga iniisip ko para naman akong gagawa ng masama..  Nakakalungkot rin kasi hindi naman makakauwi si mama hayyy,,,

Ano kayang magandang gawin? nakakainip naman..

makatulog na nga lang..

---

Sammy's POV

"whaaaaat?! Ikaw na ba yan? Bakit naman hindi ka agad nagpakilala sa amin?" gulat kong tanong sakaniya

"Kung ikaw nga eh hindi mo ako matandaan siya pa kaya?" sagot ni Stephen

"Eh kelan mo naman balak sabihin sakanya?"

"Ewan.. hindi ko pa alam.. Siguro hihintayin ko nalang na maalala niya ako." 

"Paano kung hindi ka na niya maalala?" nag aalala kong tanong

"Maaalala niya rin ako" kampanteng sagot nito

----

Krishi'a POV 

Text ko kaya si Sammy? wala akong magawa eh. Gala nalang siguro kami..

To: Sammy

        Samantha! Labas tayo. Naiinip ako  eh,

Message sent.

After a minute nag reply siya.

Fr: Sammy

    Sorry girl, Im with Stephen right now. Next time nalang :)

Awwww. :( bakit lagi nalang silang magkasama ni Stephen? Sila na ba? wala naman sakin nakukwento si Sammy. Nakaka tampo naman sila :(

humiga nalang ulit ako sa kama.

"Nakakainisssssssssss! aaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!!!!!!!!" wala talagang magawa

Past 12pm na at hindi pa rin ako nakakapag breakfast. Nalipasan nanaman ako.

Makababa nga muna at makahanap ng lulutuin sa kusina, nagugutom na rin kasi ako.

Pag bukas ko ng ref, ang galing naman talaga puro tubig ang laman. >__< Hindi pa pala ako nakakapag grocery.. Hayyys sige kakain nalang ako sa labas

Tumunog ang cellphone ko. Si Russell ang tumatawag. waaaaaaahhhh >3<

"Hello?" Masaya kong bati

(Krisha)

"Yes? How may i help you?"

(kelangan natin mag usap)

"Ha? bakit? saan? Anong pag uusapan?"

(Im on my way to your house ill pick you up in 15 mins)

"Ano? di... wait lang di pako nakakalig--toot tooot tooot"

Nays wan. Napaka ganda mo talagang kausap Sandoval

Agad naman akong naligo, parang taga naman tong si Russell eh bigla bigla nalang... Aishhh pero okay narin.. naiinip rin naman kasi ako.. 

wala pa ako sa kalahati ng paliligo ko pero naririnig ko ng bumusina si Russell kaya naman wala akong magawa kundi magmadali. Nagtapis lang ako tapos pinag buksan ko na agad siya sabay sabing..

"wait lang ha."

sabay takbo ulit ako sa banyo para ipag patuloy at tapusin ang paliligp ko. Hahahaha gulat siya eh.. kesa naman paghintayin ko siya sa labas edi malilintikan nanaman ako sakaniya...

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at hinarap siya sa sala..

"Ano bang pag uusapan natin:?" tanong ko sakaniya

"sumama ka sakin sa condo." utos nito

"ano dala akong foods ganun?" pabiro kong tanong

"Im serious Krishia." sabi nito

"Sorry naman.. dito nalang eh bakit kelangan sa Condo mo pa?" sungit naman talaga..

"Wag kana mag tanong basta sumama ka nalang." 

napaka sungit naman talaga nito. pasalamat nga siya at inalagaan ko siya nung nagkasakit siya  -____-

"Eh hindi pa ako kumakain Russell, nagugutom na ako." 

"Maraming pagkain sa condo." pang akit niya pero yung tono ng boses niya ganun parin.

"Tara na!!!" galak kong sagot

Sa dami ng tanong ko bandang huli ay sasama rin pala ako. hehe

Maya maya pa'y nakarating na kami sa condo niya

sa sobrang gutom ko ay kinapalan ko na ang mukha ko at dumiretso sa kusina. Oo ako na makapal.

"Russell, ano bang pwedeng kainin dito? pwede bang kumain muna tayo kasi nagugutom na kasi talaga ako," sabi ko sakaniya

tumango lang siya at umupo sa sofa. So anong pinapahiwatig niya? na ako nanaman magluluto? Haayy ano pa nga ba ineexpect ko? na ipag luluto niya ako? Lagi nalang akong nagluluto -___- feeling ko tuloy isa na akong magaling na chef. Wahaha

Kare-Kare nalang siguro lulutuin ko... Habang nagluluto ako biglang pumasok sa isip ko kung anong paboritong pagkain ni Russell.. feeling ko kasi ang mga type niyang pagkain ay pang world class.. yung tipong sosyal na pagkain hahaha.. para naman kapag mag asawa na kami alam ko na ang lulutuin ko para sakaniya... Tapos dadating siya ng pagod tapos hihilutin ko yung likod niya tapos pag matutulog na kami sa gabi magkatabi kami sa kama emeeegeeed :"">  tapos... Ay!! ano ba yan.. hindi pa nga ako nakaka graduate pag aasawa na agad iniisip ko. Atupagin mo muna yang pag aaral mo Krishia! at isa pa buti kung patulan ako ni Russell. 

Pagkatapos kong magluto at mangarap ay inihain ko na sa mesa ang kakainin namin.. Odiba, wife na wife ang peg ko dito.. waaaah kinikilig ako. 

Pumunta ako sa sala para tawagin sana si Russell kaso lang nakatulog na yata ito. Nakahiga siya sa dalawa niyang braso. Pinatay ko na ang TV at umupo ako malapit sakaniya. Nakatitig lang ako sa mukha niya at unti unti kong nilalapit ang mukha ko sakaniya... bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.. napaka sarap niyang pagmasdan pag hindi siya nakasimangot.. Ang gwapo niyaaaa.. Gusto kong hawakan ang mukha niya... gusto ko itong haplusin...

"saglit lang promise kahit 5 secs lang.." bulong ko sa sarili ko..

Ang sarap niya talagang titigan.. Hahawakan ko na sana siya sa mukha

kaso bigla siyang dumilat. O___________________O

patay!

--

[A/N]:

 Slow update lang po talaga. Sorry hehe. wag po sanang mag sawa.


My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon