Live in?

64 1 0
                                    

Chapter 27: Live in?

Nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isat isa. Bigla nalang akong napatayo sa pagkakaupo ko.

Si Russell halatang gulat din pero ngumiti siya. Kyaaaaaah >O<

"Ah- ano Russell ahh... Luto na yung pagkain.. tara kain na tayo." sabi ko sakanya sabay talikod papuntang kitchen.

Nakakainis naman kasi.. bakit kasi kung anu-ano pinag gagagawa ko eh. -____-

"Act normal." bulong ko sa sarili ko habang nakapikit.

'

"Anong binu-bulong bulong mo diyan?" Sabi niya. naka sunod na pala siya sakin

aish.. napakagat nalang ako sa labi dahil sa sobrang hiya >__<

"ah wala sabi ko gutom na ako." sabi ko at dali dali naman akong umupo sa upuan. kainis. nakakahiya na talaga ako >_<

Si Russell naman ay umupo na rin, kahit hindi siya nakatingin sakin ay nakangiti siya... Baka naman natutuwa lang siya sa luto kong pagkain?  napangiti rin tuloy ako nung maalala ko yung nangyari kanina. Sobrang lapit na ng mukha ko sakaniya.. konting konti nalang yun eh.

.

.

.

"Ano ba yung pag uusapan natin?" Tanong ko sakaniya nung matapos kaming kumain.

tumayo na siya at naglakad papunta sa sala kaya naman sumunod ako. Nakatingin lang siya sa window glass na tila may malalim na iniisip.  Kitang kita pala dito ang mga bahay at buildings sa labas.. Ngayon ko lang napansin napaka taas rin pala ng condo ni Russell mukhang napaka yaman nga talaga nila. No wonder na gustong gusto niya mapapunta sakaniya ang kompanya nila dahil mukhang pinaghirapan nga naman talaga ito ng parents niya.

"Russell ano na? ano ba kasi yung pag uusapan natin?"Tanong ko ulit sakanya. tapos umupo na ako sa sofa nakaharap parin siya sa may window glass kaya naman naghihintay ako ng sagot niya.

"Aalis na sila." Tipid niyang sagot

"Sino?" tanong ko

"Sila dad." nakatingin parin siya sa window glass while he put his hands in his pocket            

            

"Oh eh ano? di ba dapat nga matuwa ka pa kasi wala ng magbabantay satin." 

"No. Hindi sila ganun.. alam ko naman ang gagawin nila lalo na ni Tita" 

"Ano naman yun?"

"They will hire someone to look out for us." sabay lingon sakin

"Bakit naman?" eh hindi naman na kami kelangan bantayan ni Russell dahil malaki naman na kami? bakit kelangan pa kaya mag hire nung stepmom niya

My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon