Be strong

125 1 0
                                    

Chapter 19: Be strong

**

Stephen's POV:

"S-Stephen?" sabi niya

"What happened?" tanong ko, kasi naman ang bilis ng takbo niya tapos iyak pa ng iyak.

Hindi siya sumasagot pero iyak siya ng iyak.

Buti nalang may malapit na shop dito, coffee tea shop yata ito. dito ko muna siya dinala para pakalmahin, binilhan ko din siya ng Ice cream kasi alam kong paborito niya ito.

"Samahan mo naman ako sa bahay, wala kasi akong makakausap." sabi niya.

No choice. Kaya sinamahan ko siya. Sabi nga nila, Mas magandang ikaw ang kasama niya sa kalungkutan kesa sa kasiyahan. Kasi maraming pagkakataon ng Masaya ka kahit sino pwedeng magpasaya sayo, pero pag malungkot ka, dun mo lang makikita ang mga tunay mong kaibigan.

Nakarating narin kami sa bahay nila.

Malungkot padin siya.

Kaya eto ako ngayon, patting her head like a kid. I don't know how to comfort her, she's not even telling me what's wrong.

Basta paulit ulit lang niyang sinasabing "Ang tanga tanga ko."

Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ganyan..

Maya maya pa kumalma na siya.

kaya pala kumalma kasi tulog na. Nandto kami ngayon sa sofa.. Kinumutan ko nalang siya

"Pag dumating ang tamang panahon maaalala mo rin ako." mahinang sabi ko. tapos hinalikan ko yung noo niya.

buti nalang tulog siya.

ayoko na siyang makitang ganyan.

ang masakit.. She didn't even remember me.

--

Krishia's POV:

Pag gising ko, sa sofa pala ako nakatulog? O___O

OO nga pala kasama ko si stephen kagabi... Asan na nga ba siya? Malamang umuwi -____-

Naaalala ko nanaman lahat.

Di ko namalayan tumutulo nanaman ang mga luha ko.

Tama na Krishia wag mo na siyang iyakan..

Paasa lang siya.

Hindi.. Ako lang talaga ang umasa

Nag Assume kasi ako, nag expect kasi ako..

Hindi ako dapat masaktan kasi wala naman akong KARAPATAN.

Pinunasan ko na yung luha ko.. Life goes on. :)

Nag ayos na ako kasi may pasok pa.

After ilang mins ng pag peprepare. Yan! Ready na ako pumasok. :')

Kaya lang paano ko siya haharapin?  Basta bahala na.

*

Pag dating ko sa Room nandun na siya.. Si Russell.

Ngumiti naman siya sakin.. Yumuko lang ako. masakit eh. 

Awkward.

Katabi ko pa naman siya, Hindi ako makatingin sakanya kaya lumingon nalang ako sa upuan ni Sammy, buti nalang nandun na din siya..

Nagtatanong ang mga mata ni Sammy kung anong nangyari pero hindi naman ako makapagsalita dahil nga nandito si Russell..

habang nakatitig ako kay Sammy di ko namalayan may pumatak nanaman na luha sa mga mata ko. Sinenyasan lang niya ako na punasan ko ito at mag uusap daw kami mamaya.

At nakaupo na ako sa tabi niya.

Pigilan mo Krishia. mamaya mo na ilabas yan.

Wag kang tutulo..

Wag ngayon..

Wag dito..

Wag dito sa tabi niya..

*

Natapos ang class hour hindi naman ako napansin ni Russell na umiiyak dahil nakayuko lang ako..

Lumabas na ako sa room, kasabay ko si Sammy.

"Krishia" tawag niya.. Alam ko boses yun ni Russell.

Pero hinigpitan ko lang kapit ko Kay Sammy, hindi ako lumilingon patuloy lang ako sa paglalakad.

"Krishia." ulit pa niya.

hinila ako sa labas ni Sammy.

Ngayon papunta na kami sa Freedom Park.

At dito kami nakaupo kung saan ako nakaupo kahapon , kung saan nakita ko si Russell at Alyssa na naghahalik- ayoko ng maalala.

Kinuwento ko lahat kay Sammy.

Pero this time hindi na ako umiiyak. Kinuwento ko lahat sakanya ng buong tapang..

"Ano Ginawa niya yun? Sila ba ni Alyssa?" tanong niya.

"Ewan ko Sammy, hindi ko alam." sabi ko.

"Teka , paano mo naman nalaman na si Alyssa yun? eh diba hindi pa kayo nag me-meet personally?" tanong niya ulit.

"Oo nga, pero nakita ko na yun sa picture sa kwarto ni Russell pati sa Kotse niya." sabi ko.

"Grabe hindi ko na Idol si Alyssa." sabi niya

"Idol? bakit kilala mo siya?" tanong ko.

"Oo naman! Model yun noh.. Atsaka isa pa Boyfriend nun ang isang sikat na soccer player." sabi niya

"Wala talaga akong pag asa kay Russell.. bakit ba ako nag eemote dito eh hindi naman kami." sabi ko

"Oo nga.. Kaya tumayo kana diyan at kumain nalang tayo ng Ice cream. Ililibre kita!" sabi niya

"Sige salamat." malungkot kong sabi.

Buti nalang nandun yung Magic Word :) medyo gumaan na pakiramdam ko. 

Tae lang daig ko pa nag ka LQ kung mag emote eh hindi naman kami. -____-

"Wag na sad Ishaa. Malay mo ma fall sayo yun." sabi niya

"Ay nako.. Ayoko na umasa." sabi ko.

Pag katapos umalis na kami.. Pupunta kami sa isang Ice cream House. :)

Pampalimot problema.

----------

[A/N]:

Woooo!:) Nakapag update din. Sorry kung natagalan Guys ha,  wala kasi akong maisip.. Walang inspiration eh. x_x joke. Wala lang blanko lang talaga utak ko. At isa pa nagka problema kasi sa bahay. Yung lola ko nagkasakit. Please pray for her. Sana gumaling na siya. :)

Thanks for reading this chap. :*

Add me on Facebook: Princess Amber Reyes , princessamberreyes_12@yahoo.com

Follow me on twitter @Mhialabs.


My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon