Be your everything

130 4 1
                                    

[A/N]: Click on the video for the background music ^___^

Chapter 23: Be your everything

After 2 days.

This is it!!! Camping wohooo.

tumawag sakin si Russell kagabi, sabi niya sabay na daw kami pumunta sa Trevornick woods.

So now I'm packing up my things yeah...

Tapos biglang nag vibrate phone ko. Si Russell tumatawag.

"Yes?"

(Dito na ko sa labas let's go.)

"Okay.. excite-- toot tooot " -_- binabaan ako. pshh

Well, lumabas nalang ako at sumakay sa kotse niya.

"Trevornick woods here we come!" nasabi ko sa sobrang galak

"Hey, calm down." sabi niya

"Eh excited talaga ako eh."

tapos nag patutog siya sa Car niya. Himalaaaa. First time ata? tignan nga natin kung anong taste niya sa music.

Now playing..

Be your Everything.

Pinapakinggan ko lang yung kanta kasi baka may meaning yung lyrics niyan para sakaniya.

Shemay, ang ganda nung kanta :">

"I'll be your shelter, I'll be your storm, I'll make you shiver, I'll keep you warm, whatever weather, baby I'm yours. Be your forever Be your fling, Baby I will BE YOUR EVERYTHING."

Bigla siyang kumanta. OMG. First time to :">

napatulala ako kay Russell..

"what?" tanong niya habang naka smile.

medyo naging teary eyed ako.

"Uy, anong nangyayari sayo?" nag-aalala niyang tanong

"Kumanta ka eh." sabi ko habang tumutulo luha ko. (Na-amaze lang talaga ako.)

"Oh? panget ba boses ko? Bakit ka umiiyak?"

maganda pala boses niya.

"Na touch ako, kasi ayaw mong kumanta tapos kinantahan mo ko bigla." sabi ko na parang batang umiiyak.

kung alam mo lang Russell kung gano ko katagal hinintay na marinig kang kumanta.

"hey stop, sa susunod hindi na ako kakanta para hindi ka umiyak."

"Hindi...hindi.. masaya lang ako,"

"I dedicate that song for you." sabi niya habang nakatingin sakin.

hindi ko alam kung pano ko itatago tong kilig ko.

"I thought you don't sing?" tanong ko sakaniya. naalala ko kasi nung kinantahan ko siya. Nung nag videooke kami sa bahay. Pinapakanta ko siya tapos ang sagot ba naman sakin 'I don't sing.' -__-

"Just because I don't sing doesn't mean I can't." sagot niya

"Ahh... salamat." sabi ko nalang.

Gusto ko lumabas ng kotse. Gusto ko sumigaw. Kinikilig ako. OMG, di ko alam gagawin ko.

Sumulyap ako kay Russell, naka focus na siya sa pag da-drive.

Dun ako tumingin sa window na katabi ko. tapos dun ko nilabas yung kilig ko. dun ako ngumiti ng wagas. Dito ko nalang ilalabas para hindi makita ni Russell. alangan naman tumingin ako sakaniya tapos saka ako ngumiti ng pagka laki-laki. Gusto ko mang hampas kyaaaaaah. alam niyo yung feeling? 'I dedicate that song for you' paulit ulit sa isip ko.

"Oh bakit ka nakangiti diyan?" tanong niya

Kitang kita pala ako dun kasi nag rereflect pala yung mukha ko sa window saka kitang kita pala ako sa side mirror. EPIC. >__<

Nakakahiya. Sana kainin ako ng lupa now na.

pambasag trip din to si Russell eh.

hindi na ako sumagot, pumikit lang ako at sumandal sa upuan, I don't wanna spoil the moment.

ang sarap ng ganitong feeling..

ganito ba feeling ng may boyfriend? haaaay..

kahit na fake boyfriend ko lang siya, kahit na boyfriendko lang siya sa isang kasunduan,

"Uy, gumising kana." dito na tayo. sabi niya

pagdilat ko, oo nga nandito na nga kami at nakatulog pala ako.

Lumabas ako sa kotse ni Russell, tapos si Sammy agad ang tumambad sakin at nakapameywang ito na para bang nagtatanong kung bakit ako lumabas sa kotse ni Russell. Sinabi ko naman sakaniya yung kasunduan namin ni Russell pero hindi siya naniniwala so bahala na siya dun, buti nalang walang masyadong tao dito sa pinagbabaan namin kasi pag nagkataon na may makakita samin. patay kami.

Nauna na pala maglakad si Russell , kaya naman sabay kaming pumasok ni Sammy sa loob kung saan ang camping area namin at kung saan kami dapat mag tayo ng tent.

Pag dating namin sa camping site, nandoon na ang mga blockmates ko na abalang abala kung pano nila itatayo ang tent, yung iba naman nag dala pa ng PA para ikabit yung tent. Iba talaga pag mayaman kahit napaka simpleng bagay ay iuutos pa nila.

"Isha, tayo nalang ang magkasama sa tent." basag ni sammy sa katahimikan

"Oo sige. tara na ikabit na natin." sabi ko.

"Nakabit na namin ni Stephen kanina." sabi niya

teka nasan nga pala si Stephen.

"Eh nasan ba si Stephen?" tanong ko.

"ayun oh, tinutulungan yung jowa mo magkabit ng tent."

napatingin ako sa direksyon na tinuro ni sammy oo nga andun nga sila at nag uusap.

5:30 na, hindi na rin pala kami makaka kuha ng mga pictures kasi gabi na kaya naman nagsindi na sila ng bonfire.

yung iba pumasok na sa tent nila, kami ni sammy ay naupo naman sa tabi ng bonfire

"Uy Sammy, may tanong ako."

"Ano yun?"

"Pano mo ba masasabi kung mahal mo na yung isang tao? syempre magkaiba naman yung mahal sa gusto."

"Pag may gusto ka.. kinikilig ka pag nandiyan na siya saka hindi ka mapakali, gusto mo lagi ka niyang napapansin. pero pag pinapansin ka naman nahihiya kana. Pag mahal mo naman.. Lagi siyang nasa isip mo, bumibilis tibok ng puso mo pag nandiyan siya..basta gusto mo siya mapasaya.. at higit sa lahat nasasaktan ka pag nakikita mo siyang nasasaktan. Ayaw mo siyang makitang malungkot."

"Ganun ba..." sabi ko habang nakatingin sa apoy.

"bakit mahal mo na ba siya?" tanong niya habang nakatingin sakin.

"Pa-- *sigh* Parang." naiilang kong sagot.

-----

[A/N]:

Ayan nakapag update na. Yieee. I'll be very busy these past few days kasi may pasok na po. TT__TT Im so sorry guys.. baka matagalan nanaman sa pag UD. pero I will try my best to UD pag may extra time ako. *O*

Spread the word guys

MY ULTIMATE CRUSH


My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon