Face the problem part 2

131 4 1
                                    

Chapter 20: Face the problem part 2

---

"Wala ka bang balak mag damit?" *smirk* sabi niya.

pag tingin ko sa katawan ko.

$hit. T_________T

nakatapis pa pala ako.

"Kyaaaaaaaaah!! Tumalikod ka nga!" sigaw ko.

"Hey chill." sabi niya habang nakatalikod.

Agad agad akong umakyat sa taas para makapag bihis na.. Nakakahiya grabe.

Pag katapos ko magdamit bumaba na ako. Aba! Nakatalikod padin siya.

"sige pwede kana humarap." sabi ko.

"what took you so long?" sabi niya

Wow.. siya pa may ganang mag reklamo ah.

"Eh kasi nagbihis pa ko diba? Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko para maiba na yung usapan.

"Kasi mag uusap tayo." sabi niya.

"Oh sige. Umupo ka muna nakakahiya naman kasi sayo Mr. Sandoval." sabi ko.

Tapos umupo na siya, kaya umupo na rin ako.

"What's wrong with you? with us?" tanong niya.

Awts. para akong maiiyak sa tanong niya. Bumigat bigla yung pakiramdam ko. Umiinit yung mata ko. Parang maiiyak nanaman ako kaya yumuko nalang ako.

"ha? wala naman ah. O-okay naman tayo ah." sabi ko habang nakayuko.

"If there's nothing wrong, why can't you look at me?" tanong niya habang hinaharap yung mukha ko sakaniya.

Kikiligin ba ako? O dapat na akong matakot na baka umasa ulit ako.

"La... hindi ah, okay naman tayo ah." Pinilit kong tumingin habang nakangiti sakaniya.

"alam mo pwede ka na mag artista." sabi niya.

"bakit?"

"Kasi ang galing mo na umacting." sabi niya.

"Okay." sabi ko nalang

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong niya.

"wala nga." sabi ko.

"ganiyan ba pag bestfriend? nagtatago sa isa't isa?" tanong niya.

"Ibabalik ko yung tanong sayo." sabi ko.

"Oh? hindi naman ako nagtatago sayo ah." sabi niya,

"You sure?"  tanong ko ulit baka sakaling aminin niya.

"Yup. Promise." sabi niya

"Promise is a really big word Russell hindi mo basta basta pwedeng bitawan yan."

"what do you mean? pwede bang diretsahin mo na ako?" sabi niya.

"I saw you with her." Sabi ko na medyo nauutal kasi parang maiiyak ako.

Halata sa mukha niya na nagulat siya.. Well, kahit na hindi na siya mag explain. At bakit nga naman siya mag eexplain diba? Sino ba naman ako,

"I broke up with her." sabi niya.

"Eh diba matagal na kayong wala.?" tanong ko.

tapos bigla siyang napatingin sa akin. And he smirked.

ngayon palang nag si-sink in sa akin yung sinabi ko.

"Syempre bestfriend mo ako, tapos hindi mo sakin sasabihin. Magseselos talaga ako." defensive kong sagot. Inunahan ko na siya.

"Nangungulit kasi siya makipag kita sakin, kahit na ayaw ko. Pero nakipag kita ako para tapusin na kung ano mang dapat tapusin. Ayoko na kasi Krishia, ayoko na ng kilala ka lang niya pag may kailangan siya." sabi niya.

"Ah yun pala yung tatapusin, yung tipong naghahalikan kayo habang magkayakap, yun yung tatapusin yung relasyon? bago yun ah." naiinis kong sagot.

"Magkaiba yung hinalikan sa nag hahalikan at niyakap sa mag kayakap. You should use your eyes very well." Sabi niya at medyo irita yung mukha niya.

"Ah. sorry." sabi ko nalang. feeling ko napahiya ako.

"You shouldn't be. ako dapat magsasabi niyan." sabi niya.

"wala yun, atleast nag explain ka." sabi ko nalang.

"Punta tayo sa condo?" tanong niya

"Bakit? Ano gagawin natin dun?" 

"Basta may ibibigay ako sayo, please."

"Okay magbibihis lang ako"

tapos tumayo na ako sa sofa, naramdaman kong tumayo din siya then..

.

.

.

HE HUGGED ME FROM BEHIND. O_O

tapos nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko.

"Im sorry, please forgive me." sabi niya.

nakikiliti ako. >.<

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit ganito nararamdaman ko.

Yung pakiramdam na ayaw mong matapos yung araw na to. na sana habang buhay nalang siya nakayakap sayo.

pero hindi,,

hindi pwede...

kaya hinawakan ko na yung kamay niya na nakapalupot sa tiyan ko at unti-unti ko itong kinalas.

"Ano ka ba okay lang yun." sabi sabay humarap ako sakaniya.

nag smile siya.

Here we go again Krisha. Inlove ka nanaman sakanya

"Osige wait lang magbibihis lang talaga ako." sabi ko

tumango lang siya.

Pagka tapos ko magbihis sumakay na kami sa sasakyan niya.

Papunta na kami sa Condo niya.

----

[A/N]: 

Nakapag update din after 1 month? Dami inasikaso eh. Sorry naman :) Oh eto na po. Enjoy reading. :* 

Follow me on twitter @IloveAmbeerr

My Ultimate Crush


My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon