The Necklace

117 3 0
                                    

Chapter 21: The Necklace

Krishia's POV:

Papunta kami ngayon sa condo niya. Ewan ko kung bakit ganito nararamdaman ko, parang naiilang ako pagkatapos ng mga nangyari.

"Oh bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya

"Ah wala nagugutom lang ako." sabi ko nalang

"Sige kakain tayo mamaya." sabi niya

ngumiti nalang ako..

Maya maya pa'y nakarating na kami sa condo niya.

Habang naglalakad kami, nakangiti samin yung mga staff, siguro kilala na nila ako. Lagi naman kasi kami pumupunta dito ni Russell eh.

"Ano ba gagawin natin dito?" tanong ko.

"I  told you may ibibigay ako sayo." sabi ni Russell

"Ano ba yun?" tanong ko ulit.

"Close your eyes first." sabi niya

kaya naman pumikit ako.

Nararamdaman ko may gumagalaw sa may bandang leeg ko.

Kinabahan ako kaya dumilat ako bigla.

"Sinabi ko na ba na dumilat ka?" tanong niya na mukhang naiinis.

"Ay sorry, osige pipikit na."

"Wag na. nandiyan na eh." sabi niya na naka poker face.

paghawak ko sa leeg ko kwintas pala.

"Eh bakit mo naman ako bibigyan nito? Nililigawan mo na ba ako?" tanong ko.

shet. Pag-ibig na ituuu >__<

"What the hell, bakit kita liligawan eh diba bestfriends tayo, binigay ko yan sayo kasi yan yung tanda ng pagkakaibigan natin kaya wag mong iwawala yan."

kahit medyo napahiya ako, na touch naman ako sa ginawa niya. :)

"Ang ganda naman nito Thank you." sabi ko habang nakahawak sa kwintas

Ang ganda nung kwintas may pendant na heart.

"Ingatan mo ah. Pero gusto ko lagi mo yan suot." sabi niya

"Oo naman ikaw pa. ehmhlkta" sabi ko

"Ha?" 

"wala sabi ko iingatan ko yan kasi kaibigan kita." sabi ko

Phew! Muntik na. bakit kasi kung anu-ano lumalabas sa bibig ko.

'Let's eat?" tanong niya

"Sure." sabi ko.

tapos lumabas kami sa Condo, as usual sa restaurant nanaman ang kain namin nito.

"Bakit ang tahimik mo ngayon? sanay ako sa maingay na Krishia may problema ba?" tanong niya

"Wala..wala gutom lang talaga ako."

"Okay." sabi niya

Pagkatapos namin kumain hinatid na niya ako sa bahay.

Naghalf bath lang ako tapos humiga na ako.

Natanong ko rin sa sarili ko, bakit nga ba ang tahimik ko ngayon, ah oo nga pala.. nakita ko nanaman kasi yung picture niya.. picture ni Alyssa sa condo. Akala ko ba break na sila? Akala ko ba ayaw na niya? Pero bakit hindi niya parin inaalis yung picture ni Alyssa? Aishhhh.. Bahala na.

Teka teka.. nasasaktan nanaman ba ako? hindi dapat.

Pero nagbigay siya ng kwintas sakin. Yun yung panghahawakan ko. Tama! binigyan niya ako ng necklace, kasi mahalaga ako sakaniya bilang KAIBIGAN kaya hindi ko siya dapat biguin. ^___^ Kelangan maging happy na ako. Kahit bilang kaibigan lang.

Kasi kung magbabago ako, baka maapektuhan pa ang pagkakaibigan namin ni Russell. Hindi lahat ng babae nabibigyan niya ng kwintas. Hindi lahat ng babae mahalaga sakaniya.. saka ako nga lang ang bestfriend niya eh. Kaya maswerte na ako kasi mahalaga ako sakaniya! ^___^

Smile naa. Cheer up Krishia! =)

--

[A/N]: 

SUPER DUPER SORRY GUISE. kung ang tagal ko bago ko nag update. Sobrang busy kasi saka na me-mental block ako. Alam niyo na walang inspi x__x kaya nahihirapan akong i-continue ito. Pero eto na oh. Nag update na ako para sainyo kasi mahal ko kayo ^___^ Sorry kung after 3 months pa bago ako nag update. 

Sana hindi kayo nag sawa. Ano kayang maganda para sa next chapter? Suggest.

Feel free to follow me.

Twitter: @IloveAmbeerr

Instagram: reyesamber

Facebook: Princess Amber Reyes

My Ultimate Crush


My Ultimate Crush (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon