CHAPTER 1

415 9 0
                                    

Pinagmamasdan niya ang bawat kibot ng mapupulang labi ni Layton. Napapa-ngiti siya at lihim s'yang kinikilig tuwing magsasalita 'to.

"Anong oras ang meeting ko kay Mr. Smith? Mrs. Williams." Tanong ni Layton kay Dianne habang seryuso itong nakatingin sa screen monitor ng laptop.

Imbis na sagutin niya ang tanong ni Layton, nginitian niya ito ng ubod tamis at pinapungay niya ang singkit niyang mga mata.

" Mrs. Williams! I'm asking you! Anong oras ang meeting ko kay Mr. Smith!?" Malakas na sigaw nito habang hinahampas nito ng folder ang ibabaw ng bubog na mesa.

Napabalik siya sa ulirat nang marinig niya ang galit na boses nang amo niyang masungit. "H-huh? Sir.." Na-uutal at nagugulohan niyang tanong rito.

"Where is you're stupid mind? Huh! Mrs. Williams! Nasa outer space ba? Oh, nasa North Pole? Kanina pa ako nagsasalita hindi mo ako naririnig!" Gigil na tanong nito sa kan'ya.

"Pasensya na po Sir, may iniisip lang po ako."  Nahihiyang nagyuko siya ng ulo.

"Mukhang malalim nga ang iniisip mo Mrs. Williams kasi kanina ka pa nagpapa-cute sa akin. Mukha kang dolphin na nang-hihingi ng kalaro!" Nakaka-insultong saad nito.

"Pasensya na po talaga Sir, hindi na mauulit." Apologetic na wika niya at bahagyan siyang yumukod.

"Siguraduhin mong hindi na ito mauulit Mrs. Williams. Dahil sa susunod na tumunganga ka ulit sa harapan ko hindi ako magdadalawang isip na sesantihin ka. Malinaw na nakalagay sa Company rules ko na bawal tumunganga kapag-oras ng trabaho. At mahigpit kong ipinagbabawal na dalahin dito sa opisina ko ang personal ninyong problema," seryusong wika ni Layton.

Bumalatay ang lungkot sa maganda niyang mukha. Nasaktan siya sa sinabi nang binata. Sa loob ng isang taon na pagtatrabaho niya bilang secretary nito ngayon lang siya nito pinagalitan at sinigawan.

"Na-iintindihan ko po Sir, at tungkol po sa tanong mo kanina. Kung anong oras ang meeting mo kay Mr. Smith. 10:30 a.m po sa Italianis restaurant."

"Okay, mag-ready ka na Mrs. Williams isasama kita. Sa labas na tayo kakain ng lunch. And make sure Mrs. Williams na lahat ng important details tungkol sa meeting namin ni Mr. Smith, ay ma-iisulat mo. Dahil alam mo naman ang karakas ng  matandang iyon masyado s'yang tuso."

"Noted Sir, lalabas na po ako."

"Sige." Wika ni Layton na busy sa pagpapa-ikot ng ballpen sa kamay.

Mabibilis ang hakbang na lumabas siya ng opisina. Hinihingal siyang umupo sa swivel chair.

"What happen girl? Bakit mukhang tumakbo ka ng sampong kilometro?" Tanong ni Aldrich ang best friend niyang bakla.

"Ayy! Naku Maria for the first time natikman ko ang hagupit ng tsunami." Natatawa sagot n'ya sa tanong nito.

"Huh? Talaga? Eh, sa lahat ng employee dito sa CORTADA COMPANY, ikaw ang favorite ni Sir, Layton. Dahil ikaw lang ang bukod tangi na sumusunod sa lahat ng company rules niya. At teka nga bakit na galit sayo si Sir? May ginawa ka bang ka-abnoyan?" Curious na tanong nito.

"Jusme! Maria hindi naman masyado malala ang violation na ginawa ko. Napatulala lang naman ako sa kagwapuhan ni Sir. Layton."

"Gaga! Lukaret ka talaga! Dianne... alam na alam mo naman na number one rules ni Sir, na bawal tumunganga kapag oras ng trabaho. At ang mga empleyado niyang babae ay bawal ma-in love sa kanya. Dahil kung sino man ang lalabag sa golden rules ni Sir, Layton ay sesesantehin niya ka-agad. Kaya ikaw girl tigilan mo na ang pagpapantasya na magugustohan ka ni Sir, Layton. Dahil kahit pumuti pa ang balahibo ng uwak hinding-hindi ka niya magugustohan. Alam mo kung bakit? Hindi ka magugustohan ni Sir, dahil unang-una widow ka. Pangalawa manang na manang ang hitsura mo. Pangatlo in love na in love si Sir, Layton kay Ma'am, Yassi. Kaya dapat ikalma mo iyang mani mo na kinikilig tuwing masisilayan si Sir,"

"Ha! Ha! Ha! Kinikilig talaga? Hindi ba pwedeng nag-va-vibrate lang?" Humahagihik na tanong niya sa kaibigan n'yang nakatikwas ang kilay.

"Ha! Ha! Ha! Temang ka talaga girl. Baka dahil diyan sa kalandian mo multohin ka ni Edward." Uma-angat ang kilay ni Aldrich habang nagsasalita ito.

"That won't happen Maria kasi bago namatay si Edward hiniling niya sa akin na magmahal ako ulit at bumuo ng masayang pamilya." Nang maalala niya ang na mayapa niyang asawa nakaramdam siya ng lungkot.

Twenty five year's old siya nang ikasal siya kay Edward. Isang buwan lang niya nakasama ang kaniyang asawa dahil namatay ito agad. Brain tumor ang ikinamatay ni Edward sobrang sakit para sa kan'ya ang pagkamatay  ng kaniyang asawa. Pakiramdam niya para siyang nabalian ng tadyang. Dalawang buwan siyang nag-mok-mok sa isang sulok at tahimik siyang umiiyak tuwing gabi. Sa tulong ng mga malalapit niyang kaibigan nakabangon siya sa pagka-lugmok at muli niyang hinarap ang buhay na may ngiti sa labi.  Isang taon na s'yang balo pero hindi pa rin ulit s'ya ulit sumusubok na pumasok sa isang seryusong relasyon. May mga lalaki namang nagpapalipad hangin pero hindi niya pinapansin. Dahil hindi niya makita sa mga ito ang quality na hinahanap niya sa isang lalaki.

Pero lately napapansin niya na nahuhumaling siyang pagmasdan ang gwapong mukha ni Layton at madalas rin niyang hinahanap ang presensya nito.  Kapag hindi niya nakikita si Layton nakakaramdam siya ng lungkot.

"Oii! Girl natahimik ka na diyan? Okay, ka lang ba? Oh, naalala mo si Papa, Edward ano?" Nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Aldrich.

Napabuntong hininga siya ng malalim. "Ni-minsan hindi na wala sa puso't isipan ko ang ala-ala ni Edward. Lagi ko siyang na iisip kung pwede nga lang na sumunod na ako sa kanya sa langit noon ko pa ginawa ehh... Nang hindi na ako na lulungkot araw-araw tuwing na aalala ko siya."

"Ayy! Ano ka ba naman girl. Huwag ka magsalita ng ganyan kinikilabutan ako. At saka pwede ba huwag ka mag-isip ng mga negatibong bagay. Sabi nga ng karamihan kapag may umaalis may dumarating malay mo tomorrow makasalubong mo na ang forever mo."

"I'm not looking for forever Maria. Okay, lang sa akin na tumandang mag-isa. Galing na ako sa matinding kabiguan ayaw ko nang maranasan ulit iyon."

" Ano ka ba naman! Girl napaka-nega mo talaga mag-isip. Always think positive things Dianne. Hindi porket na bigo ka noon ay mabibigo ka ulit. Siguro kaya nangyari sa buhay mo ang mga masasalimot na bagay, ay dahil may magandang plano si Papa, God sa future mo." Malambing na wika ni Aldrich habang pumipilantik ang mga daliri nito sa ere.

"Total naman dahil palagi mo akong itinataboy na mag-asawa na ulit. Bakit hindi na lang tayong dalawa ang magpakasal Aldrich gwapo ka maganda ako siguradong maganda ang ating magiging supling." Seryusong wika n'ya at dahan-dahan niyang idinikit ang makinis niyang pisngi sa pinagpapawisang mukha ni Aldrich.

"No way! Yucckk! Eww! Acckk... Hindi tayo talo besshyy! Pareho tayong may matres."  Naduduwal na saad nito at nagmamadali itong lumayo sa tabi niya.

"Ha! Ha! Ha! Grabi ka bakla feeling mo talaga mabubuntis ka ano?"

"Kung ido-donate mo sa akin iyang matres mo Dianne. I'm one hundred percent sure na mabubuntis ako. At saka tumigil na nga tayo sa kadadaldal dahil baka makita tayo ni Mr. Tsunami. Siguradong ora-mismo lilipad tayo palabas nitong building."

"Tumpak! Bakla, kaya mag-trabaho na tayo at mamaya na ang huntahan." Umayos siya ng upo sa swivel chair at sinimula niyang buklatin ang gabundok na papeles na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon