CHAPTER 16

109 8 0
                                    

Masama ang loob na bumaba si Dianne ng sasakyan. Kaninang umaga pa masama ang mood niya dahil kagabi hindi siya tinabihan ni Layton sa kama. Buong magdamag na iniisip niya kung saan ito natulog. Isa pang gumugulo sa isipan niya ay kung bakit hindi siya nito pinapansin at para lang siyang hangin na dinadaan-daanan nito.

Tinatamad na humakbang siya papasok sa loob ng bakuran ni Melinda. Ngayong hapon  ang 16th birthday ni Milbert. Ayaw sana niyang sumama pero nang maisip niyang lalandiin ni Melinda si Layton nauna pa siyang sumakay sa loob ng sasakyan.

Napansin ni Margarita na nakasimangot si siya kaya binulongan siya nito. "Ate Dianne masama ba ang pakiramdam mo? Kaninang umaga ko pa napapansin parang matamlay ka?"

"Margarita hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya matamlay ako," tinatamad na sagot niya sa tanong nito.

"Ganun ba ate Dianne. Siguro pinuyat ka ni kuya Layton kagabi ano?" Pabulong rin na tanong nito.

"Oo Margarita pinuyat ako ni Layton kagabi. Pinuyat niya ako kagabi ka-iisip kung saan siya natulog." Gusto niyang sabihin pero hindi niya ginawa. Ayaw niyang ipaalam kay Margarita na may LQ sila ni Layton.

Napangsinghap siya nang biglang hapitin ni Layton ang sexy niyang bewang.

"Tama na ang bulongan ninyong dalawa kailangan na nating pumasok sa loob ng balag dahil nagsisimula na ang okasyon," seryusong wika nito.

"Okay, kuya," tipid na sagot ni Margarita.

        Magka-holding hands na nilapitan nila ang birthday celebrant.

"Happy 16th birthday Milbert." Sabay-sabay na bati nila rito.

"Thank you so much! Kuya Layton at maraming-maraming salamat sa regalo mong cake, lechon, at sound system. Dahil sa regalo mo kuya naging masaya ang ka-arawan ko." Masayang-masaya na wika ni Milbert.

Ginulo ni Layton ang buhok ni Milbert at nginitian nito ng ubod matamis ang binata. "You're welcome Milbert, masaya ako na makita kang masaya ngayong ka-arawan mo."

"Salamat! Ulit kuya, Excuse me kuya Layton ha, eestimahin ko lang ang iba ko pang mga bisita." Yumukod si Milbert bago ito umalis papunta sa mga kabataan na nagkukumpolan sa maliit na stage na yari sa tabla.

Masaya niyang pinagmasdan ang mga taong busy sa pagkain. Napangiti siya nang makita niya ang isang batang babae na puro icing ng cake ang mukha. Lalapitan sana niya ang batang babae pero napatigil siya sa paghakbang ng biglang sumulpot si Melinda mula sa kan'yang likuran.

"Hi! Lay..... Mabuti naka-attend ka sa birthday ni Milbert akala ko kasi hindi ka pupunta dahil napuyat ka kagabi sa pagluluto ng lechon at pagbayo ng aking nilubak." Makahulogan na wika ni Melinda.

Alam niya na ang niyubak ay isang masarap na merienda. At alam rin niya na binabayo sa lusong ang saging oh, kamoteng kahoy upang maging niyubak. Pero na mis-interpret niya ang sinabi ni Melinda.

Ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Melinda ay magdamag binayo ni Layton ang niyubak nito.

Naka-simangot na binitawan niya ang kamay ni Layton at na-iiyak na tinalikuran niya ito. Naiiyak siya dahil sa sobrang sama ng loob. Hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan na magdamag nakabaon sa niyubak ni Melinda ang barita ni Layton.

Humahangos na hinabol siya ni Margarita. Hinawakan siya nito sa braso. "Ate Dianne saan ka pupunta? Tinatawag ka ni kuya Layton pero hindi ka sumasagot."

"Pupunta ako sa banyo Margarita na-iihi na kasi ako ee..." pagsisinungaling niya dito.

"Okay, ate Dianne doon sa kanang bahagi ng kusina ang banyo." Pagkatapos ituro ni Margarita ang banyo umalis na ito.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon