CHAPTER 6

164 7 0
                                    

Nakasunod ang sasakyan ni Layton sa taxi na sinasakyan ni Dianne gusto kasi niyang makasigurado na makaka-uwi ito ng ligtas.

Sinundan niya si Dianne dahil na isip niya na baka may gawing masama dito si Mr. Smith dahil hindi ito naikama ng matandang manyakis.
Nakahinga siya ng maluwag nang pumarada ang taxi sa tapat ng bahay nito.

"Bayad ko po Manong, sa iyo na ang sukli." Iniabot ni Dianne ang pera sa taxi driver bago ito bumaba ng taxi.
Naglakad ito papunta sa simple nitong bahay. Binuksan nito ang gate at masigla itong pumasok sa loob dumiretso ito sa Garden.

"Good morning! Mga babies." Masayang bati nito sa mga halaman at nakangiting hinipo nito ang talutot ng pulang rosas.

Libangan ni Dianne ang pag-aalaga ng mga halamang namumulaklak kasi gusto nitong mapabilang sa mga tinaguriang plantita. Kaya naman tuwing weekend inuubos nito ang kaniyang oras sa pagpapaganda ng munti nitong hardin.

Pinagmamasdan ni Layton ang bawat galaw ni Dianne napapangiti siya tuwing kakausapin nito ang mga halaman. Umiiling na lumayo siya sa gate.

"Whats wrong with me? Bakit natutuwa akong pagmasdan ang biyuda kong secretary?" Iritadong tanong niya sa kaniyang sarili.

Pumasok siya sa loob ng kan'yang sasakyan bago niya isinarado ang pinto nagmasid muna siya sa paligid. Nang masigurado niyang walang naka-ambang panganib saka siya nagdesisyon na umalis.

Diniligan ni Dianne ang mga halaman at winalis nito ang mga tuyong dahon. Pagkatapos nitong linisan ang garden pumasok ito sa loob ng bahay. Naghugas ito ng kamay sa lababo. Pagkatapos humiga ito sa malambot na sofa.

"Hay! Buhay nakakabagot at nakakatamad kapag walang kasama." Malakas na sigaw nito bago ito dumapa sa sofa.

     Napatingin si Mario Jamisson sa pintuan  nang nakasimangot na pumasok siya sa loob ng opisina nito. Walang pasabi na umupo siya sa wooden chair na nakaharap sa office desk nito.

"Hey! Layton napasyal ka?" Masiglang tanong nito sa kan'ya.

"Yeah, sinadya talaga kitang bisitahin ngayong araw Mario dahil kailangan ko ang serbisyo ng agency mo," seryusong saad niya.

"Anong klaseng serbisyo ba Layton ang kailangan mo? May tao ka na gustong ipahanap? Oh, may ipatutumba kang tao?" Excited na tanong nito. Basta talaga sa bakbakan laging excited ang best friend niya.

Nayayamot na pinitik niya ito sa nuo. "What kind of question is that? You know me very will Mario na wala sa vocabulary ko ang pagpatay at ni minsan hindi pumasok sa isipan ko ang mga bagay na ganyan. Ayaw ko tumulad sa ibang negosyante na madumi makipaglaro."

"Okay! Okay, calm down Pare nagtatanong lang ako ikaw naman masyado kang seryuso." Tinapik siya ni Mario sa balikat. "Eh, ano nga ang ipatatrabaho mo sa akin?"

"I need some of your men to guard my secretary twenty four hours and to spy on my fiancée."

"Huh? Wait! Wait... Hindi maproseso ng utak ko ang sinasabi mo." Nagugulohang wika nito.

"Anong nakakalito sa sinabi ko?" Iritadong tanong niya rito.

"Eh, kasi bakit kailangan mong pabantayan ang secretary mo? At bakit gusto mong paman-manan ang fiancée mo?" Sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya.

"Gusto kong may bodyguard si Dianne twenty four hours para masigurado kong araw-araw siyang ligtas. Dahil sigurado ako na may gagawing masama sa kanya si Mr. Smith dahil hindi siya nito na-ikama. At kaya ko naman pinasusundan si Yassi dahil malakas ang kutob ko na may ginagawa siyang milagro. Kaya sabihin mo sa agent na magma-man-man kay Yassi huwag na huwag niya itong lulubayan nang tingin kahit saan man ito magpunta."

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon