FINALE

192 8 1
                                    

Dalawang taon na ang matuling lumipas. Isang taon na ang kanilang anak na kambal na sina Damian at Damon. Oo Kambal na lalaki ang first baby niya at ngayon nga two months pregnant na naman s'ya. Dahil ang asawa
niyang si Layton ay ginawang libangan ang pagbayo pero okay lang dahil masipag, responsible at mapagmahal naman itong asawa.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinagpapahingahan n'ya ngayon.

"Ano ka ba naman! Lovey bakit hindi ka kumatok? Muntik na akong sumigaw dahil sa gulat eh, akala ko kung sino na ang pumasok," mahinahon na sermon n'ya sa kan'yang asawa.

"I'm sorry, sweety hindi ko sinasadyang gulatin ka. Tapos na bang dumidede si Damon? Kasi kailangan mo nang pumunta sa labas ngayon dahil tapos nang magdasal si Father at kanina pa naghihintay ang mga bisita natin sa labas." Pabulong na wika ni Layton ayaw nitong lumikha ng ingay. Dahil baka magising si Damian na mahimbing na natutulog sa crib.

"Sandali lang ihihiga ko nang maayos sa kuna si Damon." Maingat n'yang inihiga sa crib ang cute na cute n'yang Anak. Isang taon na ang mga Anak n'ya kaya malakas ang mga itong dumide.

"Belinda, Carmen bantayan ninyong mabuti ang mga Anak ko at huwag na huwag ninyo silang iiwan. Tawagin ninyo ako agad kapag nagising silang umiiyak." Malumanay na bilin n'ya sa Yaya ng kaniyang mga anak.

"Opo, Ma'am Dianne babantayan po naming mabuti si baby Damian at baby Damon," magsabay na sagot ni Belinda at Carmen.

"Salamat, sige, lalabas na kami." Magkahawak kamay na lumabas sila ng kwarto ni Layton  malalaki ang hakbang na pumunta sila sa bulwagan ng Yakap Sa Kababaihan Foundation.

Ngayong araw ang grand opening nang foundation na itinayo n'ya. Layonin nang Yakap Sa Kababaihan Foundation na bigyan ng bahay at trabaho ang mga single mother at kabataang babae na mga walang trabaho at tirahan dahil sa hirap nang buhay. At bukod sa pagtulong sa kababaihan plano din ng Foundation na bigyan ng pagkain araw-araw ang mga pulubing nakatira malapit sa kanilang lugar.

Umaasa s'ya na sa pamamagitan nang itinayo n'yang foundation ay mababawasan ang mga homeless people at ang mga taong nagugutom sa Pilipinas.

Sinulubong s'ya ng masigabong palakpakan nang tumayo s'ya sa bulwagan ng foundation building.

"Ready na ba kayong lahat na buksan itong Foundation na itinayo natin?!" Nag-echo sa buong paligid ang malakas niyang boses.

"Yes! Po Ma'am Dianne ready na po kaming lahat!" Sabay-sabay na sagot ng kan'yang mga bisita.

"Okay, one.... Two.... Three...." Nakangiting ginupit n'ya ang red ribbon.

"Congratulations! Ma'am Dianne and maraming-maraming salamat po! Dahil napakabusilak ng iyong kalooban at hindi ka po nagdalawang isip na kalingain at tulongan kaming mahihirap," masaya naluluhang saad ng isang grupo ng mga kabatan na tinulongan n'yang makaahon sa buhay.

Nginitian niya ang mga ito at muli s'yang nagsalita sa microphone.
"Sa lahat po ng aking mga bisita at sa lahat ng masisipag na staff ng Yakap Sa Kababaihan Foundation. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat! At taos puso po akong nagpapasalamat sa aking mga sponsor dahil kung hindi po dahil sa inyo hindi po maitatayo itong foundation. Makakaasa po kayo na sa darating ng mga araw, linggo, buwan at taon lalo po naming pauunlarin at palalawakin ang aming mga programa upang mas marami kaming mga kababaihan na matulongan. At sa mga kabataan at single mother na aming tinutulongan hinihingi ko po ang inyong cooperation na sana palaguin ninyo ang aming ibinigay na negosyo at alagaan ninyong mabuti ang munting tahanan na ibinigay namin sa inyo para naman po lahat tayo ay happy. Makakaasa po ba ako sa inyo? Na taos puso tayong magtutulongan na mapalago ang Yakap Sa Kababaihan Foundation?"

"Yes! Po Ma'am Dianne makakaasa ka po na tutulong kami sa abot ng aming makakaya," masayang sagot ng kan'yang mga bisita.

"Maraming-maraming salamat po! sa inyong cooperation dahil sa totoo lang po kung ako lang mag-isa hindi ko po kayang i-manage itong foundation. Kaya nga po hinihingi ko ang inyong cooperation at natutuwa ako dahil lahat kayo ay handang tumulong para lalong umunlad ang ating community. Again congratulations! Po sa ating lahat..."

Napuno nang masigabong palakpakan ang bulwagan ng foundation at lahat ng mga tao'y nakangiti dahil natutuwa sila sa blessings na ibinigay ni Papa Jesus.

"Lahat po ng mga taong andito ngayon sa foundation building ay pwede ng kumain at lahat po ng aming kapitbahay ay pwede din pong kumain. Huwag po kayong mahiyang pumasok. Dahil lahat po kayo ay welcome dito." Masayang wika n'ya at nakangiting pinanuod n'ya ang mga tao na masayang kumukuha ng pagkain sa buffet table.

"Maraming-maraming salamat po Panginoon dahil ginabayan mo ako na maitayo nang maayos itong foundation. Kung hindi po dahil sa iyong patnubay hindi ko po ito magagawa mag-isa. At maraming-maraming salamat po ulit dahil araw-araw binibigyan mo po kami ng pamilya ko ng maraming blessings. Makakaasa ka po Papa Jesus na ibabahagi ko sa ibang tao ang mga biyayang natatanggap ko araw-araw." Masayang bulong n'ya habang nakatingala s'ya sa bughaw na langit.

Tulad nang pangako n'ya noon sa kan'yang sarili na balang araw makakatulong rin s'ya sa mga taong kapos palad. Ngayon nga natupad na n'ya ang kan'yang munting pangarap dahil sa tulong ng mga matatalik n'yang kaibigan at kasosyo ng asawa n'ya sa negosyo.

"Sweety hindi ka pa ba kakain? Kasi nagugutom na ako eh." Napa-igtad s'ya ng bigla s'yang hapitin ni Layton sa bewang.

"Lovey I'm not hungry dahil ang dami kong kinain na macaroni salad kanina pero kung gutom ka na kumuha ka na ng pagkain sa buffet table. Tikman mo lahat ng pagkain pero  tig-ka-kaunti lang ha?"

"Yes sweety I'm hungry but sariwang tahong ang gusto kong kainin. Dahil masustansya na sariwa at masabaw pa sigurado kapag kumain ako ngayon ng tahong lalakas ako at mabubuhay lahat ng natutulog kong ugat sa katawan," pilyong bulong ni Layton sa tenga n'ya.

"Ehhh....! Lovey napapaligiran tayo ng maraming tao pagsisid at pagkain ng tilapyang buhay ang iniisip mo! Ikaw talaga napakapilyo mo." Piningot niya ang namumula nitong tenga.

"Hahaha! Eh, kasi naman sweety halos isang linggo kang nag-stay dito sa foundation kaya hindi ko tuloy napana ang tilapya mo."

"Eeee...! Lovey hahaha, napakaharot mo talaga." Tumatawang kinurot n'ya ang bewang nito.

Hinuli ni Layton ang kamay n'ya at niyakap s'ya nito ng mahigpit hindi ito nahihiya sa mga taong nakangiti na pinapanuod ang harutan nilang mag-asawa.

Pumikit s'ya at pinakinggan n'yang mabuti ang malakas na pintig ng puso ni Layton, parang naririnig n'yang sinasabi nito na. "I love you so much Mrs. Dianne Fernandez Cortada."

"I love you too much! My loving and Flirty husband Layton Cortada," buong pagmamahal na bulong niya sa kanang tenga nito.

Humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang n'ya at sinilyohan nito nang maalab na halik ang mapula n'yang labi. Simbolo iyon ng tapat at wagas nitong pag-ibig.

🎉 Tapos mo nang basahin ang THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1) 🎉
THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon