CHAPTER 3

191 5 0
                                    

Sa Steak House sila nag-dine in. Magkaharap silang kumakain sa bilog na mesa.

"Do you like the food? Mrs. Williams."  Tanong sa kan'ya ni Layton habang naghihiwa ito ng steak.

"Yes, Sir, I like the steak actually favorite ko ang steak lalo na kung katamtaman ang pagkakaluto ng karne. Hindi hilaw at hindi rin sunog. Noong buhay pa si Edward every weekend ipinagluluto niya ako ng stea---" Naitikom niya ang kaniyang bibig nang ma-realize niyang ikine-kwento na niya sa masungit niyang Amo. Ang tungkol sa kanyang buhay may asawa noon.

"Why? Did you stop? Dianne. I'd like to hear you're life story."

Namilog ang mata niya ng marinig niya ang sinabi ni Layton. "Did I heard it Right? Tinawag mo ako sa aking pangalan?" Hindi n'ya napigilang itanong dito.

"Yes! Mrs. Williams, I called you by your name. And please... from now on tawagin mo akong Layton kapag tayong dalawa lang ang magkaharap. Nakaka-umay na kasing pakinggan na maya't-maya naririnig ko ang apelyedo nating dalawa," pabirong wika nito.

Nalunok niya ang steak sa sobrang pagkagulat. She can't believe that after one year maririnig niyang magbiro ang aroganting business man na si Layton Cortada. Plus bunos may naka-ukit na ngiti sa manipis nitong labi. Hindi siya makapagsalita bumara ang karne sa lalamunan niya. Nahihirapan na siyang huminga napahawak siya sa maputi niyang leeg.

"Dianne are you okay!?" Natatarantang tumayo si Layton sa upuan. Nilapitan siya nito at tinapik nito ng malakas ang likod niya.

"Ohh..." Sumagap siya ng hangin ng mailuwa niya ang karne. "T-thank you! You save my life." Nauutal at nahihiyang pasasalamat n'ya rito.

"You're welcome! Dianne next time mag-ingat ka sa pagkain nguyain mong mabuti ang karne upang hindi ka mabilaukan. Paano kung hindi mo ako kasama? Edi bumulagta ka na dito sa restaurant dahil sa steak." 

"Ha ha ha!" Hindi niya napigilang tumawa. Ngayon lang niya nalaman na may sense of humor din palang kausap ang suplado niyang Amo. "Nakakahiya mapapa-aga ang libing ko dahil sa katakawan ko sa karne."

Napangiti si Layton ng malapad naaaliw ito sa pagiging masiyahin at pala ngiti ni Dianne. "Dianne gusto mo pa ng steak?"

"Ha ha ha! Ayaw ko na baka hindi ko na malunok."

"Okay, tapusin na natin ang pagkain ng maka-uwi na tayo. And s'ya nga pala may kasama ka ba sa bahay?"

"Wala akong kasama sa bahay Layton."

Marahas s'yang nilingon ni Layton hindi n'ya maintindihan kung bakit seryuso itong nakatitig sa maganda niyang mukha.

"Say.... my name again Dianne." Pa bulong na utos nito.

Nagugulohan man pero sinunod niya ang utos nito. "Layton.... Layton Cortada," malambing na saad n'ya.

Parang malamyos na musika sa pantinig ni Layton ang pa ulit-ulit na pagbigkas ni Dianne sa kanyang pangalan. Naikuyom nito nang mariin ang kan'yang mga kamao at tumigas ang kan'yang anyo. Dahil na-realize n'ya na hindi nga pala s'ya pwedeng makaramdam ng excitement sa ibang babae. Dahil meron na s'yang fiancée at next month na ang kanilang kasal.

Biglang naglaho ang saya na nararamdaman n'ya nang makita niya ang pagbalatay ng galit sa kulay bughaw na mga mata ni Layton. Sumimsim siya ng manggo juice upang mawala ang kabog sa kaniyang dibdib.

"Dianne umuwi na tayo Ihahatid na kita sa bahay mo." Tumayo si Layton sa silya at dumukot ito ng pera sa wallet. Iniwan nito ang pera sa ibabaw ng bubog na mesa at nagmamadali itong lumabas sa entrance ng steak house.
Gusto nitong makalayo agad sa tabi ni Dianne dahil nakakaramdam ito ng init sa katawan na hindi nito mawari kung saan nang gagaling.

Halos madapa siya sa mabilis na paglalakad dahil hinahabol niya si Layton. Kilala niya ang ugali nito ayaw na ayaw nitong naghihintay ng matagal kaya naman para maabutan n'ya 'to tumakbo siya palabas ng restaurant. Muntik na siyang mag-dive sa sementadong kalsada ng sumabit ang sandals niya sa sementong naka-usli. Mabuti na lang may matigas na brasong sumalo sa katawan niya.

He don't know what to do. Ramdam niya ang matambok at malambot na dibdib ni Dianne na umaalog-alog sa kanyang palad. At dumadampi sa balat niya ang mainit nitong hininga. Lalong naging abnormal ang pakiramdam niya dahil sa position nilang dalawa. Halos mahalikan na niya ang labi ni Dianne.

"You're so clumsy Dianne muntik ka nang mag-swimming sa kalsada. Hindi ka ba marunong mag-ingat? Oh, hindi ka tumitingin sa dina-daanan mo?" Naiirita tanong ni Layton habang itinatayo siya nito ng maayos.

"Dianne why are you always in the hurry? May hinahabol ka ba? Hindi mo ba alam na dahil diyan sa pagmamadali mo ma-aaksidente ka. Mapuputolan ka ng paa at kapag nangyari iyon masisi pa ako ng mga kamag-anak mo! Dahil pinabayaan kita maglakad ng lutang ang isip sa kalye," medyo galit na wika nito.

She feel irritated on what he said. Umusok ang ilong niya dahil sa galit. "Alam mo ba Sir, kung bakit lagi akong nagmamadali? Dahil hinahabol kita! Dahil kapag hindi ko agad nasunod ang utos mo magagalit ka sa akin, sisigawan mo ako at tatakutin na sesesantihin sa trabaho. Kaya sir, kahit napakabilis mong maglakad hinahabol pa rin kita dahil ayaw kong mawalan ng trabaho."

Napipilan si Layton sa mga sinabi ni Dianne. Dahil totoo lahat ang mga sinabi nitong ayaw na ayaw niyang naghihintay dahil umiinit agad ang ulo n'ya.

"Ehemm.." Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan. "Dianne simula ngayon huwag ka na magmadali. Dahil hindi na kita pagagalitan kapag hindi mo agad na sunod ang utos ko."

"Talaga! Sir? Hindi ka nagbibiro?" Napalundag s'ya sa tuwa at hindi sinasadyang nahampas n'ya ang mapintog na braso ni Layton.

Kitang-kita ni Layton ang sayang nakarehistrong sa mukha ni Dianne. Para itong nanalo ng jackpot prize sa lotto.
"Yeah, I'm not joking Dianne, from now on susubukan kong bawasan ang aking kasungitan. Para naman mawala sa utak ninyo na ako si Mr. Tsunami." Natatawang wika nito.

"Ha ha ha!" Hindi niya napigilan tumawa. "Paano mo nalaman Sir, na Mr. Tsunami ang tawag namin sayo?"

"Last two months ago naglalakad ako sa hall way narinig kong nag-uusap ang mga janitor sa kompanya sabi nila. Hoy! Lito, huwag ka humarang sa hall way dahil dadaan na si Mr. Tsunami. Lumingon ako sa likuran ko dahil akala ko may ibang tao silang binabanggit. But there's nobody behind my back, I'm the only person walking on the hall way so, I presumed that Mr. Tsunami is me."

"Ha ha ha!" She laugh again. "They called you Mr. Tsunami Sir, dahil para kang isang malakas na buhawi kapag nagagalit.

"Talaga? Pero bakit parang hindi ka naman takot sa akin Dianne? " Curious na tanong nito sa kan'ya.

"The truth is sometimes, I'm scared pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na papatulan lang kita sa mga tantrums mo kapag may nilabag ka ng batas. Like physical violence, discriminating, etc.. Pero salamat naman kay Papa, God dahil sa loob ng isang taon na pagtatrabaho ko sa kompanya mo hindi mo ako ginawan ng masama. Hanggang sigaw ka lang kapag may na gawa akong pagkakamali."

Napatango-tango si Layton sa sinabi niya na realized nito na kailangan na nitong limitahan ang pagiging mainitin ang ulo. "Okay, now Mrs. Williams get in the car ihahatid na kita sa bahay mo." Binuksan nito ang pintuan ng kotse.

Napatitig siya sa gwapong mukha ni Layton for the first time ngayon lang siya nito ipinagbukas ng pinto. At may bunos pa nag-presinta itong ihatid siya pa uwi. Nagdulot ng excitement sa kanyang katawan ang ideyang makakasama niya ng matagal sa loob ng kotse ang gwapo niyang amo.

"Dianne do you hear me? I said hop in. Kapag hindi pa tayo pumasok sa loob ng kotse aabutin tayo ng malakas na ulan dito sa parking lot." Hindi na siya nito hinintay makasagot. Hinawakan nito ang braso niya at iginiya siya nito papasok sa loob ng sasakyan.

Napa-igtad siya ng dumantay ang palad ni Layton sa braso niya. Napaka-init ng balat nito parang may kung anong init at kiliti na gustong pumasok sa kanyang kalamnan. Nang maka-upo siya sa shotgun seat nagyuko siya ng ulo itinago niya ang namumula niyang mukha sa binata.

Napangiti si Layton ng lihim dahil sa reaksyon nang secretary nitong biyuda. Na ngangamatis sa pula ang makinis na pisngi ni Dianne at hindi nito maitago ang kilig na nararamdaman.
"Wear you're seat belt Dianne and please... umayos ka ng upo baka makuba ka masyado kang nakayuko."

Umayos siya ng upo, ikinabit niya ang seat belt at isinandal niya ang katawan sa upuan ng sasakyan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata gusto niyang matulog upang mawala ang mabilis na pagtahip ng kaniyang dibdib.

Seryuso si Layton habang nakahawak ang dalawa kamay nito sa manibela. Normal lang ang takbo ng sasakyan sa kahabaan ng Maharlika highway. Iniiwasan nito ang lubak na kalsada upang hindi umuga ang kotse na magiging sanhi ng pagka-antala nang mahimbing na tulog ni Dianne.

Nahampas nito ng mahina ang manibela ng kotse nang ma-realize nitong hindi nga pala nito alam kung saan si Dianne nakatira.  Napahilot ito sa sentido hindi nito malaman kung ano ang gagawin. Nagdadalawang isip ito kung gigisingin ba si Dianne oh, mananatili na lang ito sa loob ng kotse at hihintayin na lang nito na magising ang babae.

Nang magsimulang kumulog at kumidlat napagpasyahan nito na dalahin na lang sa bahay niya si Dianne.

Dahan-dahan nitong binuhat palabas ng kotse ang babaeng mahimbing na natutulog. Dinala niya si Dianne sa guest room.

Ma-ingat niya itong ibinaba sa malambot na kama. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi ito magising nang lumapat ang katawan nito sa malambot na kama.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon