CHAPTER 2

210 7 0
                                    

Inilugay niya ang mahaba niyang buhok, pinahiran niya ng red lipstick ang hugis puso niyang labi at isinuot niya ang makapal na salamin sa kaniyang mga mata. Napangiti si Dianne ng makita niya ang kanyang ayos sa malaking salamin. Nag mukha siyang cartoon character sa isang movie. Nakangiting dinampot niya ang shoulder bag na nakapatong sa ibabaw ng lababo at sexy siyang naglakad palabas ng comfort room.

Umarko ang kilay ni Layton ng masilayan nito ang nakaka-akit na ayos ni Dianne. Her secretary is wearing a simple body fit pink T-shirt na tenernuhan nito ng kulay blue na palda hanggang binti ang haba. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at pulang-pula ang labi nito. Ngayon lang niya nakitang naka-ayos ito dahil madalas ang suot nito sa opisina ay maluwag na office uniform, nakapusod ang buhok nito sa tuktok na para bang pugad ng ibon at laging maputla ang labi nito na para bang kulang sa dugo. Napa-lunok siya ng laway nang mapadako ang tingin niya sa umiimbay na pang-upo ni Dianne.

Nagmamadaling nilapitan niya si Layton na prenting nakasandal sa kotse.

Napasinghap si Layton ng maamoy nito ang mamahaling pabango ni Dianne at napakagat labi ito ng makita nito sa malapitan ang mapula at medyo basa nitong labi.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil nakatulala sa mukha niya si Layton na para bang nakakita ito ng mahiwagang bagay. Namimilog ang kulay bughaw nitong mga mata at nakakunot ang makinis nitong nuo. "Hindi pa ba tayo aalis Sir? Quarter to eleven na late na tayo sa meeting," lakas loob na tanong niya sa amo niyang mukhang nakalutang sa ulap.

"Ehem!" Tumikhim si Layton at patay malisya itong sumakay sa kotse.

Hinabol niya ng nagtatanong na tingin ang malapad na likod ng binata. "Grabi! May masamang espirito kayang sumanib kay Sir? Kasi parang wala siya sa katinuan para siyang robot kung kumilos ngayon." Bulong niya sa hangin.

Ibinaba ni Layton ang bintana ng kotse at ngumiti ito ng pilyo. "What are you waiting for? Mrs. Williams. Pasko oh, bagong taon? Bakit hindi ka pa sumasakay? Hinihintay mo bang kapitan ng talaba iyang mga binti mo?"

Bumilis ang pintig ng puso niya nang masilayan niya ang matamis na ngiti ni Layton. Pumikit siya ng mariin, ibinuka niya ang bibig at bumuga siya nang hangin. Upang kalmahin ang puso niyang nag-aalburuto sa kilig. Nang masigurado niyang kalmado na siya saka siya sumampa sa kotse at prente syyang na upo sa shotgun seat. "Pwede na tayong umalis Sir." Mahina niyang wika at nginitian niya ng ubod tamis ang Amo niyang may sanib.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Layton ng masilayan nito ang matamis na ngiti nang biyuda niyang secretary. Biglang bumilis ang pintig ng puso nito dahil sa bagong damdamin na namumuo sa nag-aalburuto nitong dibdib.
Naapakan nito ng mariin ang selinyador ng kotse kaya sumagitsit ang gulong sa sementadong kalsada at medyo bumilis ang takbo ng sasakyan sa gitna ng high way.

Kita niya ang tensyon at pagkalito sa gwapong mukha ni Layton. Pero imbis na magtanong mas pinili niya ang manahimik. Itinuon niya ang paningin sa labas ng bintana.

      Nang humimpil ang kotse sa konkretong parking lot bumaba na siya hindi na siya nag-assume na ipagbubukas siya ni Layton ng pinto.

"Hey! Mrs. Williams, wait for me! Why are you always in the hurry?" Tanong ni Layton habang humahakbang ito palapit sa kaniyang tabi.

"Nothing Sir... gusto lang nitong paa ko na maglakad." Pabalang na sagot n'ya rito.

"Ohh... Okay." Naglakad silang dalawa na malayo ang pagitan sa isa't-isa.

"Magandang tanghali! Po Sir, Ma'am." Magalang na bati nang security guard.

"Magandang tanghali! Po." Nakangiting bati niya sa sekyu pero si Layton blangko ang mukha nito.

"Grabi! Bumalik na naman siya sa pagiging masungit! Siguro umalis na sa loob ng katawan niya ang mabait na espiritong sumanib sa kan'ya kanina." Nanggigil na bulong n'ya.

Binuksan ng security guard ang bubog na pintuan ng Italian restaurant.

Magka-agapay silang naglakad palapit sa mesang ino-okupa ni Mr. Smith.

"Good Morning! Mr. Cortada, and very good morning! To you're beautiful secretary." Masiglang bati ni Mr. Smith habang nakatingin ito ng malagkit sa magandang mukha ni Dianne.

Tinanguan ni Layton ang matanda at straight body itong na upo sa mamahaling silya. "Shall we start this meeting Mr. Smith?"

"Masyado kang nagmamadali Mr. Cortada, kadarating mo lang at late ka ng five minutes na ngayon lang nangyari. Why don't we eat first? Para may energy tayo mamaya na pag-usapan ang tungkol sa aking business proposal."

'Okay." Malamyang sagot ni Layton. Na-iinis ito sa matanda dahil hindi maalis-alis ang tingin nito sa malusog na dibdib ni Dianne.

"Miss, Williams here's the menu. Orderin mo lahat ng pagkain na gusto mong kainin." Inabot ni Mr. Smith sa kaniya ang menu pero hindi pa man niya nahahawakan ang menu hinuli na nito ang kanyang kamay at pinisil iyon ng mariin.

Naduduwal na hinila niya ang kaniyang palad at matalim niyang tinitigan si Mr. Smith. Wala na siyang paki-alam kung masesanti siya sa trabaho. Kilala niya si Mr. Smith tirador ito ng mga seksing empleyado. "Excuse me, pupunta lang ako sa comfort room." Tumayo siya sa upuan at seksi siyang naglakad palayo sa lamesa.

Habol tanaw ni Mr. Smith ang umiimbay na balakang ni Dianne. "You're secretary Mr. Cortada, is very sexy. And I heard from some of my colleagues that Miss, Williams is a widow."

Nag-isang linya ang makapal na kilay ni Layton makikita ang matinding iritasyon sa gwapo nitong mukha. "So what? If my secretary is a widow Mr. Smith? Big deal ba sayo ang life status ni Mrs. Williams?"

"No! I'm just trying to say that you're secretary is very charming. Even if she's wearing a old fashion clothes. She really get my attention para siyang bulaklak na malapit nang mamukad-kad sa aking paningin. Baka naman Mr. Cortada pwede mo akong tulongan na ligawan ang secretary mo? In return mag-i-invest ako ng malaking halaga sa kompanya mo."

Nagpantig ang tenga ni Layton sa sinabi ni Mr. Smith. Oo suplado siya arogante at masungit. Pero never pumasok sa isipan niya na manggamit ng ibang tao para lang umangat. Kilala siyang demonyo sa larangan ng business industry at sa paningin ng lahat wala siyang pusong nilalang. But the truth is may malambot siyang puso at patas siyang lumaban. "Kaya ba nagpa-schedule ka ng urgent meeting ngayong araw? Mr. Smith ay dahil gusto mong pag-usapan natin si Mrs. Williams?" Galit na tanong nito sa matanda.

"You're very smart Mr. Cortada nakuha mo agad ang punto ko. Gusto kong ligawan ang secretary mo wala namang masama kung magiging girlfriend ko siya b'yudo ako b'yuda siya. Perfect match kami diba?"

"Ha ha ha!" Tumawa si Layton nangnakaka-insulto. "Humanap ka ng ka level mo Mr. Smith at huwag mong pag-initan ang secretary ko. Dahil kapag hindi mo tinigilan itong kahibangan mo palulubogin ko sa kangkongan ang pinakamamahal mong kompanya upang hindi ka na makapambiktima pa ng mga inosenting babae. Now! Excuse me Mr. Smith this meeting is done and.... ayaw na kitang maging-investor sa company ko." Mariin na wika nito bago ito tumayo sa silya. Naglakad ito palayo kay Mr. Smith. Tinahak ng paa nito ang daan pa punta sa lady's room.

Nasa labas si Dianne ng comfort room nakasandig siya sa malamig na pader habang nakapikit ng mariin ang kaniyang mga mata. Nagdadalawang isip siya kung babalikan pa niya ang Amo niya at si Mr. Smith.

Napatigil si Layton sa paghakbang nang masilayan nito ang maamong mukha ni Dianne. May nag-uudyok rito na haplusin ang makinis, mamumulang pisngi ni Dianne at damhin ang mapula nitong labi. Ini-angat nito ang kamay at inilapit sa mukha----  Napatigil sa ere ang kamay nito ng biglang magmulat nang mata si Dianne.

"Sir, what are you doing here?" Nagugulohan na tanong n'ya kay Layton hindi n'ya maintindihan kung bakit sinundan s'ya nito sa comfort room.

"Let's get out of here Mrs. Williams."

"Huh? Eh, paano iyong meeting mo kay  Mr. Smith? Di ba importante sayo ang deal na iyon?"

"Mas importante ang kaligtasan mo Mrs. Williams kaysa sa business proposal ni Mr. Smith." Mga salitang gustong sabihin ni Layton pero hindi nito binigkas. "Tapos na ang meeting namin ni Mr. Smith, umalis na tayo dito at nagugutom na ako."

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mapupula niyang labi. Finally hindi na niya makikita ang maniac na matanda. "Okay, Sir."

Iniwasan ni Layton na mapatingin sa nakaka-akit na labi ng biyuda niyang secretary dahil tuwing titigan nito ang labi ni Dianne parang gusto n'yang gayumusin ito ng halik. Nalilitong naglakad ito palabas ng restaurant.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon