CHAPTER 19

120 8 0
                                    

Binuhay niya ang laptop e-re-re-search niya sa google kung ano ang ibig sabihin ng woi ài ñi. Magtitipa na sana siya pero hindi natuloy dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina iniluwa doon si Yassi na nakabusangot ang mukha.

"Good morning! Miss Ledesma," magalang na pagbati niya dito.

"Ano'ng maganda sa umaga Mrs. Williams?" Mataray na tanong nito sa kan'ya.

"Everything is good in the morning Ma'am specially the beautiful golden sun," kalmadong sagot niya sa pagtataray nito.

"Mrs. Williams maybe your mood is good because you fucked my fiancee last night," bastos na wika nito.

"Yeah, nag-loving-loving kami ni Layton kagabi at kaninang umaga bago kami pumunta dito sa opisina." Nakangising wika niya inaasar niya si Yassi dahil sobrang taray nito.

"Hahaha! Proud na proud ka pa talaga Mrs. Williams na ipagsigawan na kinantot mo si Layton kagabi! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mong kababoyan?! At teka nga bakit dito ka nagtatrabaho sa loob ng opisina ni Layton? Don't tell me na plano mong magnakaw!?" Gigil na tanong ni Yassi sa kaniya kulang na lang bumuga ng apoy ang ilong nito.

"Bakit naman ako mahihiya? Eh, natural lang naman na magsiping kaming mag-asawa upang maipadama namin sa isa't-isa ang init ng aming pagmamahal. And for your information Miss Ledesma I'm not a thief at wala kang karapatan na questionin kung ano ang ginagawa ko dito sa opisina ni Layton dahil asawa ko siya." Nakatikwas ang kilay na saad niya.

"Inggrata! Stop dreaming na magiging asawa mo si Layton dahil kahit kailan hindi ako papayag na mapunta s'ya sayo! Kaya pwede ba lumayas ka dito sa kompanya ng fiance ko kung ayaw mong ipadamot kita sa mga Police!"  Malakas, galit na galit na sigaw nito.

Narinig na ni Yassi ang balita tungkol sa pagpapakasal ni Layton sa secretary nitong b'yuda pero hindi ito naniniwala. Dahil buong akala nito mahal pa rin ito ng lalaki at prank lang ang lahat kaya naman malakas ang loob nito na palayasin si Dianne sa Cortada company.

"Hahaha!" Tumawa siya ng nakakainsulto at tinitigan niya nang masama si Yassi. "Really? Miss Ledesma ipapadampot mo ako sa Police? Will go ahead nang ikaw mismo ang ipasok nila sa kulongan. Alam mo Yassi kung ako sayo aalis na ako dito sa kompanya ni Layton bago pa s'ya dumating. Dahil sigurado ako na kapag nakita ka niya dito ipakakaladkad ka niya sa mga security guard palabas nitong building.

Galit na galit na si Yassi gustong-gusto na nitong sabunotan si Dianne pero hindi nito magawa dahil ayaw nitong magmukhang walang pinag-aralan sa harapan ng babae. Kaya naman para maitago ang galit na nararamdaman nito huminga ito ng malalim at  peke itong ngumiti.
"You know what? Mrs...! Williams kahit kailan hinding-hindi ako sasaktan ni Layton dahil mahal na mahal niya ako at baliw na baliw s'ya sa angkin kong kagandahan," confidence na wika nito at ipinagdiinan talaga nito ang Mrs. Williams. Dahil ipinamumukha nito sa kan'ya na siya ay may dating asawa.

"Hahaha! Talaga mahal ka ni Layton? Eh, bakit ako ang pinakasalan niya at hindi ikaw?" Tumatawang tanong niya kay Yassi.

"Talaga? Gusto mong paniwalaan ko na totoo ang kasal ninyo ni Layton? Eh, alam ko naman na gi-no-good time lang ninyo akong dalawa. Hindi ako tanga Mrs. Williams alam ko na prank lang ito. Alam ko na gusto lang akong pag-trip-an ni Layton." Natatawang wika nito.

"Okay, fine kung ayaw mong maniwala e'di huwag bahala ka sa buhay mo. Pero sinasabi ko talaga sayo Yassi totoo na kasal na kami ni Layton kahit magtanong ka pa sa PSA office."

Hindi siya pinansin ni Yassi inirapan lang siya nito at sexy itong naglakad papunta sa swivel chair ni Layton. Nang akmang uupo ito sa swivel chair itinulak niya ito kaya napasobsob ang mukha nito sa bubog na mesa.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon