CHAPTER 14

116 8 0
                                    

Tuwang-tuwa na sinalubong sila ni Margarita parang bata na nakalahad ang dalawa nitong kamay nanghihingi ng pasalubong.

"Pasensya ka na Margarita hindi kami nakabili ng pasalubong. Kasi biglang uminit este biglang sumakit ang ulo ni ate Dianne mo," malumanay na wika ni Layton.

"Okay, lang po kuya Layton. Siguro naman kuya nakabili ka ng tilapya na iihawin natin para kay lola." Natatakam na wika ni Margarita.

"Hindi rin eh, ubos na kasi ang tilapya sa palingke piranha fish na lang ang isda na tinitinda sa palengke ngayon."

"Kuya Layton naman eh! Puro ka biro alam naman nating dalawa na walang tinitindang piranha sa palingke." Pumapadyak na wika ni Margarita. "Kuya kung wala kang nabiling tilapya ihawin at gataan mo na lang iyong dalag na ibinigay ni aling Minda kanina."

"Okay, mabuti at nagbigay ng isda si Aling Minda meron na tayong lulutoing ulam para kay lola."

"Marami namang stock na pagkain sa refrigerator kuya eh, pwede ka magkatay ng native na manok pang tinola. Kaya lang ayaw ni lola Lita kumain ng karne kasi baka tumaas ang blood pressure niya. Kumakain lang ng karne si lola isang beses isang buwan." Nakangiting paliwanag ni Margarita.

Nakikinig lang si Dianne sa usapan nila Layton at Margarita. Nahihiya siyang makisabat sa usapan ng mga ito dahil siya ang salarin kung bakit hindi nakabili ng tilapya si Layton. Dahil sa walang kakwenta-kwentang pagseselos niya kanina nasira ang plano nila ni Layton na mamili ng mga pagkain at mga importanteng gamit sa bahay. Nakayuko na pumasok siya sa loob ng bahay.

Nahihiya siyang tumingin ng deretso sa gwapong mukha ni Layton dahil na-realize niya na mali ang ginawa niya kanina.

"Dapat kanina hindi ko inaway si Melinda. Dapat ang ginawa ko kanina nilambing ko ng todo si Layton upang himatayin si Melinda sa inggit. Oo nga! Dapat iyon ang ginawa ko. Ang shunga-shunga ko talaga hindi ko agad naisip ang bagay na iyon," naiinis na bulong nang isip niya.

"Sweety! Stop walking mababangga ka na sa ding-ding." Iniharang ni Layton ang katawan nito sa matigas na ding-ding.

"Are you okay, sweety? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Iniisip mo pa rin ba si Melinda? Will I'm telling you sweety wala talaga kaming relasyon ni Melinda at kahit kailan hindi ako nagkagusto sa kan'ya at pangako hinding-hindi ko siya magugustohan dahil ikaw ang gusto ko." Naka-cross finger na wika ni Layton.

Gusto niyang paniwalaan ang sinabi ni Layton pero alam naman niya ang totoo nagbibiro lang ito.

"Mabuti kuya Layton nabanggit mo si ate Melinda muntik ko na kasing makalimutan. Ang bilin ni Aling Minda na pumunta daw tayo bukas nang hapon sa bahay nila dahil 16th birthday ni Milbert," excited na wika ni Margarita.

Matamlay na pinagmasdan niya ang nakangiting mukha ni Margarita. Kitang-kita niya ang nakabalatay na excitement sa maganda nitong mukha. Napa-isip tuloy siya kung close ba ang buong angkan ni Layton sa pamilya ni Melinda.

"Sweety isasama kita bukas sa birthday party ni Milbert ina-anak ko kasi iyon. Ngayong asawa na kita sweety Ninang ka na din ni Milbert. Alam mo naman ang kaugalian dito sa probinsya kapag kinuhang Ninong ang haligi ng tahanan magiging Ninang na din ang ilaw ng tahanan," masayang wika nito.

"Okay, lovey." Pinilit niyang ngumiti ayaw kasi niyang sirain ang magandang mood ni Layton.

"Yehey! Ngumiti na ulit ang sweety ko ibig sabihin ba niyan bati na tayo?"

"Ngumiti lang ako pero hindi ko sinabi na bati na tayo," nagpapakipot na sagot niya.

"Sweety naman bati na tayo please.... Wala naman akong kasalanan eh."

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon