CHAPTER 12

133 7 0
                                    

Malakas na tilaok ng mga manok at malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kan'ya pagbaba niya ng sasakyan. Masayang pinagmasdan niya ang gintong araw na unti-unti nang lumalabas sa bughaw na ulap. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at idinipa niya ang kaniyang dalawang braso upang damhin at amoyin ang mabangong aroma na nagmumula sa talolot ng mga bulaklak.

"Open your eyes sweety upang makita mo ang  tuloyang pagsikat ng araw." Malambing na bulong ni Layton sa tenga niya. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kaniyang balat.

Sumandig siya sa dibdib ni Layton at nakangiting pinagmasdan nila ang pagsikat ng araw. Lalong lumapad ang ngiti na naka-ukit sa hugis puso niyang labi nang lumiwanag ang buong paligid.

Tuwang-tuwa na nilapitan niya ang puno ng yellow bell na hitik na hitik sa bulaklak. Tumulo ang hamog sa mukha niya ng pitasin niya ang isang pirasong bulaklak. Isiningit niya sa kaniyang tenga ang bulaklak. Pagkatapos masaya siyang naglakad palapit kay Layton na kumakatok sa bahay na yari sa kahoy.

"Lovey kaninong bahay ito?" Tanong niya dito habang pinagmamasdan niya ang antigong bahay na yari sa balat ng capiz ang mga bintana.

"Bahay ito ni Papa, sweety ipinamana niya sa akin itong bahay bago niya kami iniwan ni Mama," nahimigan niya ang lungkot at pait sa boses nito.

Hinawakan niya ang palad ni Layton at pinisil-pisil niya iyon. "Na-mi-miss mo ang Papa mo lovey?"

"Yes sweety, I miss him so much sobrang bait at responsable niyang Ama iyon nga lang napalayo s'ya sa amin ni Mama dahil sa hindi inaasahang pangyayari," malungkot na wika nito.

"Huwag kang malungkot lovey dahil sigurado ako na kapag malungkot ka malungkot rin ang Papa mo."

"Siguro nga tama ka sweety, malungkot si Papa kapag malungkot ako. Kaya simula ngayon palagi na akong ngingiti upang palagi ding masaya si Papa at nang hindi ako pumangit." Nakangiting wika nito bago itl sumobsub sa balikat niya.

Yayakapin rin sana niya si Layton kaya lang biglang bumukas ang pinto. Lumabas sa pinto ang matandang babae na naghihikab at isang magandang dalagita na nasa edad dise-otso.

"Magandang umaga po," nakangiting bati niya sa matanda. Pilit niyang itinutulak si Layton palayo sa katawan niya ngunit hindi man lang ito nagpatinag. Bagkus lalo pa itong sumiksik sa maputi niyang leeg.

"Magandang umaga din iha, ano'ng kailangan mo? Bakit umagang-umaga napasugod ka dito sa aking munting tahanan? Kailangan mo ba nang tulong?" seryusong tanong sa kan'ya ng matandang babae.

"Lola hindi ko po kailangan nang tulong. Asawa po ako ni Layto---" Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang humarap si Layton sa matanda.

"Bulaga! Magandang umaga Lola, Lita." Masiglang wika ni Layton nilapitan nito ang matanda at niyakap nito ng mahigpit. "I miss you so much Lola."

"Oh! Diyos ko Layton napakapilyo mo talagang bata ka. Muntik na akong matumba dahil sa gulat eh, huwag mo na ulit akong gugulatin na bata ka. Mapapalo talaga kita ng walis ting-ting sa p'wet kapag inulit mo pa 'yon."

"Sorry po Lola, promise po hindi na ulit kita gugulatin. Ginulat lang po kita kanina kasi na miss ko ang mga panahon na naglalaro tayo nang tagu-taguan sa gitna ng maisan."

"Ikaw talagang bata ka binata ka na pero isip bata ka parin." Napangiwi si Layton ng pingutin ni lola, Lita ang kaliwang tenga nito.

"Hindi na po ako isip bata lola, nilalambing lang po kita," panga-ngatwiran nito.

"Oh, ay hala sige, tama na itong paglalambing mo Apo at sino ba itong magandang dalaga na kasama mo?" Itinuro s'ya ni Lola Lita.

Malambing siyang inakbayan ni Layton at inakay siya nito palapit kay lola, Lita.
"Lola ipinakilala ko po sa inyo ang aking mabait, maganda, at medyo may pagkapilyang asawa na si Dianne Fernandez Cortada."

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon