CHAPTER 22

132 8 0
                                    

Inaantok pa s'ya pero bumangon na siya sa kama. Dahil sabi ni Layton kagabi bibisitahin nila ang Mama nito.

Gusto ni Layton na maka-usap nito ng maayos ang Ina nito para tumigil na ito sa pagpaplano nang kasal nila ni Yassi.

Naghihikab na pumasok s'ya sa loob ng banyo nag-tooth brush s'ya at naligo.
Pagkatapos n'ya maligo nag-blower s'ya ng buhok, nagpahid siya ng light make up, at nagbihis siya ng disinteng damit.

Bitbit ang shoulder bag pumunta s'ya sa kusina nadatnan n'ya si Layton na nagtitimpla ng kape.

"Sorry, lovey hindi na ako nakapagluto ng almusal ikaw kasi eh, pinuyat mo ako kagabi. Alas-tres nang madaling araw mo na ako pinatutog." Nag-ba-blush na wika niya.

"Hahaha!" Seksing tawa ang isinagot nito sa kan'ya bago s'ya nito hinalikan ng mariin sa pisngi.

"Nakakagigil ka kasi sweety kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong angkinin ka. Kun'di nga lang natin bibisitahin ngayon si Mama baka hanggang ngayon nakabaon pa rin itong pipino ko diyan sa perlas mo," maharot na saad nito.

Nag-ba-blush na pinagkukurot niya ng pino ang tiyan nito. "Ikaw talaga lovey napakahilig mo." Hinuli nito ang kamay niya at iniupo s'ya nito sa silya.

"Sweety kumain na tayo ng breakfast baka kasi lumamig na itong mga pagkain na iniluto ko kapag inuna natin ang harutan." Pilyong saad nito. Kinindatan muna s'ya nito bago nito nilagyan ng pancake at hard boil egg ang plato niya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang simpleng almusal na nakahain sa antigong mesa.

Pagkatapos nila kumain pinagtulongan nilang linisan ang kusina at magkatulong rin sila sa paghuhugas ng mga pinggan.

Pagkatapos nila maghugas at maglinis magkahawak kamay silang lumabas ng bahay. Sumakay sila sa sasakyan at pinatakbo  'yon ni Layton ng may katamtamang bilis sa sementadong kalsada.

Habang nasa byahi iniisip niya kung ano na namang masasakit na salita ang sasabihin sa kan'ya ng mama ni Layton.

Hindi s'ya ang tipo ng tao na pwedeng apak-apakan lang. Pero pagdating sa Mama ni Layton tumitiklop ang mga tuhod niya dahil ayaw niya itong sagotin ng pabalang.
Ayaw kasi n'yang kamuhian s'ya nito nang dahil lang sa walang kwentang bagay.

"Sweety, bumaba ka na andito na tayo sa bahay ni Mama." Napa-igtad siya ng pisilin ni Layton ang pinagpapawisan n'yang ilong.

"Are you okay, sweety? You look very nervous right now," nag-aalalang tanong nito.

"Okay, lang ako lovey medyo kabado lang ako dahil baka pagmalditahan na naman ako ng mama mo eh." Sagot n'ya sa tanong nito habang bumaba s'ya sa sasakyan.

"I'm so sorry sweety for what happened yesterday but I promised you sweety hinding-hindi na ulit mangyayari ang mga bagay na 'yon." Pinisil nito ang palad niya at inakay siya nito papasok sa loob ng eleganting bahay.

Social ang pagkakagawa ng bahay at halatang mamahalin ang mga gamit na naka-display sa loob nito. Pero hindi n'ya na-a-apreciate ang napaka-eleganting pagkaka-ayos ng bahay dahil naka-fucos ang kan'yang buong atensyon sa Ina ni Layton na sitting pretty na naka-upo sa mamahaling sofa.

"Ma-upo kayo mga anak. Napakaaga ng pagbisita ninyo dito sa bahay ko mukhang napaka-importante ng inyong sasabihin," casual na wika nito.

Kinabahan siya ng ngumiti ang kan'yang mother in law hindi n'ya mawari kung ano ang gusto nitong ipahiwatig.
Pinisil ni Layton ang palad n'ya bago ito umupo sa couch na nakaharap sa Ina nito.

"Good morning! Mama, pasensya ka na dahil napasugod kami ng maaga dito sa bahay mo. Inagahan talaga namin ang pagpunta dito para pigilan ka na kausapin ang Priest na kinuha mong magkakasal sa amin ni Yassi. Mama alam ko na si Yassi ang gusto mong mapangasawa ko pero Mama hindi ko po s'ya mahal.
Magiging impyerno pareho ang buhay namin kung pipilitin mong ipakasal kami sa isa't-isa. Mama alam kong ginagawa mo ang bagay na ito dahil gusto mo lang na magkaroon ako ng magandang kinabukasan.
Pero Mama hindi si Yassi ang tamang babae para sa akin at kahit hindi ko s'ya makatuloyan  patuloy pa din na magiging maunlad ang buhay ko.
Dahil sa sarili kong pagsisikap." Seryusong wika ni Layton huminga muna ito sandali at ginagap nito ang palad niya.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon