CHAPTER 15

119 8 0
                                    

Nakangiti si Layton habang pinagmamasdan siya nitong maghain ng mga pagkain sa ibabaw ng mesa.

Napa-igtad ito ng tumunog ang cellphone nito na nakatago sa bulsa ng pantalon nito.

"Sweety pupunta muna ako sa labas. Kakausapin ko lang saglit si Mario."

"Okay, lovey bilisan mo lang ha, kakain na kasi tayo."

Tinanguan siya ni Mario bago ito maliksing tumakbo palabas ng bahay.

"Margarita paki-puntahan mo nga si lola Lita sa kwarto niya. Sabihin mo kay lola kakain na tayo." Mahinahon na utos niya kay Margarita.

"Okay, po ate Dianne." Excited na pumunta si Margarita sa kwarto ni lola Lita.

      Umupo si Layton sa duyan bago nito sinagot ang tawag ni Mario. "Hello bro kumusta? Napatawag ka may problema ba?"

"Ayos lang ako Layton maayos rin ang takbo ng negosyo mo. Tinawagan kita dahil gusto kong ipaalam sayo na kahapon ka pa hinahap ng Mama mo. Balita ko inaayos niya ang kasal ninyo ni Yassi. Ano'ng gagawin mo bro? Paano mo pipigilan ang nalalapit ninyong kasal ni Yassi?" nag-aalalang tanong ni Mario sa kabilang linya.

"Don't worry Mario hindi matutuloy ang kasal namin ni Yassi at hindi ako papayag na ma-brainwashed niya si Mama. Ang kailangan mong gawin ngayon Mario ay mag-fucos diyan sa kompanya ko at utosan mo ang iyong tauhan na mangalap nang importanteng impormasyon tungkol sa kalukohan na ginagawa ni Yassi."

"Okay, brother enjoy your vacation. Ako na munang bahalang mag-manage nitong negosyo mo. Anyway kailan ka pala babalik dito sa Manila? Tandaan mo brother kahit kailan hinding-hindi mo matatakasan ang Mama mo dahil marami siyang connection sa ibat-ibang panig ng mundo."

"Mario hindi ko pinagtataguan si Mama sumasagap lang ako ng sariwang hangin dito sa probinsya." Tinatamad na sagot ni Layton sa pang-aasar ni Mario.

"Really? Sumasagap ka ng sariwang hangin oh, baka naman sumisinghot ka nang sariwang bulaklak. Pareho nating alam na kasama mo ngayon si Mrs. Williams." Nakangisi na wika ni Mario.

"Hype ka Mario kahit kailan chismoso ka talaga." Pinindot ni Layton ang end call ng hindi na makasagot pa si Mario.
Nag-send ito ng confidential message sa email ni Attorney, Dimatera bago ito bumalik sa kusina.

      Nagkanda-haba-haba na ang leeg ni Dianne katatanaw sa front door ng kusina. Kanina pa niya hinihintay si Layton pero hindi pa rin bumabalik ang kaniyang asawa.

Nagsimula nang kumain si Margarita at lola Lita pero siya hindi niya magawang sumubo dahil gusto niyang kasabay sa pagkain si Layton.

"Looking for me sweety." Napag-igtad siya ng lumapat sa bunbunan niya ang mainit na labi ni Layton.

"Saan ka dumaan bakit hindi kita nakita?"

"Sa back door ako dumaan sweety." Umupo si Layton sa tabi niya at nilagyan nito ng pagkain ang pinggan niya.

"Mabuti naman Apo at dumulog ka na dito sa mesa kanina ko pa kasi napapansin na hindi mapakali itong asawa mo. Saan ka ba nang-galing apo?" Malumanay na tanong ni lola Lita habang naghihimay ito ng inihaw na dalag.

"Nag-usap lang kami ni Mario, lola tungkol sa negosyo." Sinuboan siya ni Layton ng pagkain.

"Lovey huwag mo na akong suboan kumain ka na." Iniwasan niya ang kutsarita ng muli siyang susuboan ni Mario.

"Okay, sweety kung ayaw mong suboan kita. Ako ang suboan mo.  Ahhh..." Ngumanga si Layton ng malaki.

"Hahaha!" Napabunghalit ng tawa si Margarita. "Kuya Layton naman itikom mo 'yang bibig mo baka kasi pasokan ng lamok."

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon