CHAPTER 18

119 8 0
                                    

Nenerbyos s'ya, na-ngi-nginig ang dalawa niyang kamay at tagaktak ang pawis niya sa noo.

Nag-aatubili s'yang bumaba ng sasakyan dahil ayaw niyang pumasok sa loob nang Cortada company na kasabay si Layton.

Nag-aalalang nilapitan siya ni Layton at sinalat nito ang noo niya. "Sweety why are you sweating? May masakit ba sayo? Nilalagnat ka ba? May naramdaman ka bang kakaiba?" Natatarantang tanong nito habang pinupunasan nito ang butil-butil na pawis niya sa mukha.

"Okay, lang ako lovey nenerbyos lang ako dahil baka kung ano'ng isipin ng mga tao kapag nakita nilang magkasama tayong dalawa," nag-aalalang sagot niya sa tanong nito.

"Oh, my God! Sweety tinakot mo naman ako eh, akala ko pa naman napakalaki ng problema mo." Umiiling na wika ni Layton. Ginaganap nito ang mga kamay niya at kinarga siya nito palabas ng sasakyan.

"Lovey ano'ng gagawin mo? Don't tell me na kakargahin mo ako papasok sa loob ng kompanya?"

"Yes! Kakargahin kita papasok sa loob ng kompanya nang mawala ang nerbyos mo, at pwede bang huwag mong isipin ang sasabihin ng mga tao dahil wala silang ambag sa buhay natin at lalong wala silang karapatan na husgahan tayo dahil hindi sila Diyos at hindi nila alam ang buong istorya ng buhay natin. At kung husgahan man nila tayo huwag mo silang pansinin huwag mong intindihin ang mga sinasabi nila dahil alam mo sa iyong sarili na mabuti kang tao at kahit kailan hindi mo sila inagrabyado," pangaral sa kan'ya ni Layton.

Naluluhang ikinawit niya ang kaniyang dalawang braso sa leeg nito at isinubsob niya ang kaniyang mukha sa mabango nitong leeg. Wala na siyang paki-alam kahit makita pa sila ng mga empleyado ng kompanya.

"Good morning Sir, and good morning Ma'am," magalang na bati ng dalawang security guard bago nito binuksan ang glass door.

Tinanguan ni Layton ang mga security guard bago ito pumasok sa loob ng kompanya.

Rinig na rinig niya ang bulongan at singhapan ng mga tao sa paligid. Pero hindi niya nakikita ang mga ito dahil nanatili siyang nakasobsob sa leeg ni Layton habang nakapikit ng mariin ang kan'yang mga mata.

Ibinaba siya ni Layton sa ibabaw ng mesa at namewang ito sa harapan ng mga empleyadong hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Everybody listen! Ipinapaalam ko sa inyong lahat na kami ni Dianne ay kasal na kaya gusto kong igalang at respito ninyo s'ya tulad ng paggalang at pagrespito ninyo sa akin. Dahil kung sino man ang mang-bully sa asawa ko sesesantihin ko agad. Nagkakaintindihan ba tayo?" Maowtiridad na tanong ni Layton sa lahat ng empleyado ng Cortada company.

"Yes! Sir, na-intindihan po namin lahat ng sinabi mo." Sabay-sabay na sagot ng mga empleyado nang kompanya.

"Very good! Now pwede na kayong bumalik sa inyong ginagawa." Yumukod ang mga empleyado bago bumalik ang mga ito sa kani-kaniyang lamesa.

Natutuwang tinitigan niya ang gwapong mukha ni Layton gusto sana niya itong yakapin ng mahigpit at halikan nang mapusok sa labi. Kaya lang hindi niya magawa dahil nahihiya siya sa mga empleyado na busy sa pagta-trabaho.

"I know sweety na gusto mo akong halikan kaya pagbibigyan ko 'yang kahilingan mo." Akmang hahalikan siya ni Layton pero hindi natuloy dahil biglang dumating si Mario.

"Hey! Pare mabuti nakabalik ka na. Kumusta ang honeymoon este ang bakasyon ninyong mag-asawa?" Nakangiting tanong nito kay Layton.

"Hahaha! Okay, naman Pare. Anyway kumusta dito sa opisina? Naayos na ba ang kagulohan sa HR department?"

"Hindi pa Pare nag-pa-e-schedule nga ako ng meeting sa conference room ngayong umaga para makapag-usap ng maayos si Mr. Cabral at Miss, Dawson. Palagay ko Layton kaya nag-away ang dalawang HR admin dahil may LQ silang dalawa. Feeling ko kasi Pare meron silang relasyon." Bulong ni Mario.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon