Chapter 8

89.4K 2.5K 323
                                    

ANO BA'NG NANGYAYARI? KAMI PA BA?


Hindi ko matandaan kung paano ko naitawid ang apat na raw bago sumapit ang Sabado. Apat na araw din akong nagtangka na tawagan si Macoy, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Wala rin siyang reply sa mga texts ko.


Kakatapos ko lang sa last subject at umaasa ako na mag-re-reply na siya sa akin. May usapan kasi kami ngayong Sabado, 'di ba? Pero wala talaga. Nagkaroon tuloy ako ng takot na baka hindi siya magpakita sa akin kahit kailan. Na baka, hindi na pala kami.


Malungkot na umuwi na lang ako sa bahay. Pagpasok ko pa lang sa pinto ay nakahanda na ang matamis na ngiti ni Mama sa akin. "Nakauwi na pala ang maganda naming bunsong anak!"


Kumunot ang aking noo. Kahit nakangiti sa akin sina Mama at Papa ay kapansin-pansin ang pagiging balisa nila. "May problema ba, Ma? Pa?"


Si Mama ang sumagot sa akin, "Wala, anak. Maliit na problema lang sa negosyo ng papa mo. 'Wag mo na lang intindihin, basta mag-aral ka na lang nang mabuti."


Maliit na problema? Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila na magsabi ng totoo sa akin. Ramdam ko naman na hindi na lang basta maliit na problema meron ang negosyo ni Papa. Sa sobrang pamomroblema nga nila ay two months na nila akong nakakalimutang bigyan ng pang-tuition at allowance.


Umakyat na ako sa itaas. Hindi pa ako nakakapasok sa aking kuwarto nang maulinigan ko ang pagpapatuloy ng naudlot na usapan nina Mama at Papa.


"Hindi ba tayo puwedeng makahiram sa boyfriend ni Nita?" mahinang tanong ni Mama kay Papa.


Si Ate Nita ay ang nag-iisa kong kapatid. Limang taon ang tanda ng babae sa akin. Graduate na at kasalukuyang nagtatrabaho. Nakabukod ito ng tirahan at minsan na lang umuwi rito. Doon ito tumutuloy sa condo ng mayamang boyfriend. Live in ang mga ito.


"Nakakahiya naman siguro kay Theo," banggit ni Papa sa pangalan ng boyfriend ni Ate Nita. "Baka mamaya ay ma-turn off naman iyon sa anak natin. Hindi pa sila kasal, mangungutang na agad tayo."


"Sabagay, ano?" sang-ayon ni Mama.


"Gagawa na lang ako ng paraan, mahal. 'Wag na nating pamroblemahin pa ang mga anak natin. Mag-lo-loan na lang ako ulit ako sa ibang bangko."


Sumilip si Mama sa hagdan at huli na para makapagtago ako. Nakita niya na ako. "Pamela, bakit gising ka pa? Matulog ka na at magpahinga. Magkaka-eyebags ka niyan kapag nagpuyat ka. 'Di ba kabilin-bilinan ng ate mo na importante ang beauty rest?"


"Opo, Ma." Pumasok na agad ako sa aking kuwarto.


Sa kama ko ay mga paper bags ng mga mamahaling damit at gamit. Mga pinamili ni Ate Nita para sa akin. Hindi lumilipas ang mga linggo na hindi ako nito ipinag-sh-shopping. Minsan ay gamit ang sariling credit card pero mas madalas ay gamit ang credit card ng mayamang boyfriend.


Normal na office worker si Ate Nita sa isang malaki at bigating fashion company, ang Sandovals'. Doon niya nakilala ang boyfriend niya na si Kuya Theo. Nauna sa Sandovals' ang lalaki at may magandang posisyon doon.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon