Chapter 12

91.8K 2.5K 421
                                    

I know you're wondering why the version of RP you're reading now seems to be different from the one that you've read before. Just to let you know, this is still the same RP. What you've just read before was the cut version. This is now the uncut copy.


The uncut with the additional chapter is available in hardcopy books, too. You can order it on JFstories Facebook.


PS. There'll be a book giveaway (JF Self-pub book of your choice free shipping) on our newly made FB group, JFAM (jfstories). You may join us to qualify for the giveaway. See you and thank you. Advance happy holidays!


---------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------


"NANDIYAN SI DONALD SA LABAS."


Sumilip si Mama sa pinto ng aking kuwarto. Napabangon ako dahil sa sinabi niya.


"Anak, Pamela, naghihintay si Donald sa labas," aniya muli. "Bumangon ka na at mag-ayos ng sarili. Nakakahiya na pinaghihintay mo siya."


Kinusot ko ang aking isang mata dahil halos hindi ko pa ito maidilat. Napuyat ako kakaisip kay Macoy kagabi. Para kasing kakaiba ang lalaki. Parang lalo itong naging sweet sa akin. O baka bumabawi lang siya.


Pero nararamdaman ko talaga na may dinaramdam siya. Parang masaya lang siya kapag kamasa ako, subalit kapag nalilingap ako nang ilang segundo ay masusulyapan ko na naman ang lungkot sa mga mata niya. Nadagdag pa iyong boses niya nang tawagan niya ako kaninang madaling araw. Ang lungkot niya.


Alam kong may mga bagay siya na hindi masabi sa akin. May mga problema siya na hindi niya kayang ibahagi sa akin. Pero sana ay dumating iyong araw na mapagkatiwalaan niya ako. Handa naman akong makinig sa kanya.


"Pamela, lumabas ka na riyan!" Kinalabog na ni Mama ang pinto ng aking kuwarto.


Sumingit pa 'tong tukmol na Donald. Kainis! Ang sarap pa ng tulog ko, eh!


Nagmartsa ako palabas palabas ng kuwarto habang kumakamot sa ulo. Natanaw ko si Donald na nasa sala sa ibaba. May hawak ng isang boquet of white roses.


"Good morning, Pamela." Ngumiti siya sa akin nang makita ako sa hagdan. Sa pagngiti ay kuminang ang mga braces niya sa ngipin.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon