Chapter 15

80.1K 2.5K 200
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)



"ANO SA TINGIN MO?"


Pinagbuksan ako ng pinto ni Aling Kipay at ipinakita sa akin ang loob ng kuwarto. Dinala niya ako rito sa boarding house niya na nataong malapit sa university ko. Akalain mo iyon, hindi lang pala lugawan at silogan ang negosyo niya. Meron din pala siyang boarding house dito sa Sta. Mesa, Manila.


Napalingap ako paligid. Maliit lang ang bakanteng kuwarto at may dalawang single bed. One thousand five hundred daw ang upa rito isang buwan. Puwede na ito para sa estudyanteng tulad ko habang naghahanap ako ng trabaho.


Ang dahilan ko talaga kaya umalis ako sa bahay namin ay dahil gusto kong mag-working student para hindi na ako sa kanila hihingi ng allowance. Hindi kasi ako papayagan nina Mama na magtrabaho habang nag-aaral kaya naisipan ko na lumayo muna sa kanila. Gusto kong makatulong kahit sa ganitong paraan lang.


"Magkano nga po pala, Aling Kipay?"


Ngumisi si Aling Kipay. "P1,700."


"Akala ko po P1,500?"


"May additional P200 kasi naka-combo sa lugaw ko."


"Ho?"


"Araw-araw dadalhan ko kayo ng lugaw na almusal dito."


Napakamot ako. "Lintek na negosyo 'yan, 'di pa malugi," bulong ko.


"Ano?"


"A-ang sabi ko po, ayos po ang mga negosyo niyo. Consistent combo!"


Nahalakhak siya. "Syempre naman, hija. Maganda ang marketing strategy ko!"


Iyong lugawan at silogan niya na naka-combo kahit ano'ng bilhin mo. Magpa-palod lang ako, kailangan naka-combo pa sa lugaw niya o silog. Lintek din na marketing strategy 'yan!


Mukhang mapupurga ako sa lugaw nito tuwing almusal.


"Kunin ko na po." Inabutan ko siya ng down at deposit.


"Two months advance ako sa lugaw. P200 pa."


"Baka po puwede sa Sabado na lang?"


"O sige. Basta kapag magpapa-load ka, sa'kin na lang, ha?"


Tumango na lang ako.


"Siya pala, hija. Saan ka naman kukuha ng ibabayad mo sa akin. Eh, ang alam ko nga ay baon sa utang ang papa mo. May utang pa nga sa aking lugaw Goto Hell iyon."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon