Chapter 18

81.1K 2.4K 215
                                    

Macario Karangalan Sandoval


I GOT TO TELL DAD THAT I'M MARRIED.


Bahala siyang magalit kapag nalaman niya na basta ako nagpakasal, ang importante sa akin ay masabi ko sa kanya. He was still my father after all. Saka malamang na makakarating din iyon sa kanyang kaalaman. Mababanggit iyon sa kanya ng nagkasal sa amin ni Pamela, ang ninong ko na judge. Uunahan ko na.


Ito lang yata ang unang beses mula nang mamatay si Mom, na umuwi ako rito sa mansiyon nang nakangiti. Masaya ako nitong nakaraang mga araw dahil si Pamela ang kasama ko. Almost a week kami sa resthouse at iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang makasama ang asawa ko.


Dahil good mood ako, sa tingin ko ay makakaya kong makipag-usap nang matiwasay kay Dad. Hopefully, he would listen to what I had to say. I would tell him that I was ready to fix my life because I was now married and I loved my wife. Alam ko na mauunawaan niya ako dahil nagmamahal din naman siya. Baka panahon na rin para magkaayos kaming mag-ama.


Pagbaba ko ng aking kotse ay pumasok agad ako sa mansiyon. Luckily, I did not see Lulu. Kadalasan kasi na ang babaeng iyon ang sumasalubong sa akin.


I saw Dad in the sala with his bodyguards. May lakad yata siya ngayon at mabuti na lang at naabutan ko siya. "Hi, Dad—"


"Where had you been?" malamig ang boses na tanong niya. "Lulu was trying to contact you since last week, but you were uncontacted. There was a charity gala because of the recent typhoon. That would have been a good opportunity to introduce you to the public, but you were nowhere to be found."


Was he for real? Ni hindi man lang niya ako kinumusta muna. He didn't even had the slightest idea that I had been sick last week. Hindi ko na namalayan ang petsa dahil naratay ako.


"You were not even in your condo yesterday. Wala ring alam ang kaibigan mong si Cloud kung nasaan ka. Even your manager, your bandmates, university professors, hindi alam kung nasaan ka!" singhal ni Dad sa akin. "Saang bar ka naroroon? Mula nang magkabagyo, ano'ng ginawa mo maliban sa pag-inom?!"


Tumango-tango ako. Akala ko ay makakapag-usap kami nang maayos ngayon, mukhang mali ako.


"Ano'ng plano mo sa buhay? I heard from one of your professors that you dropped three of your subjects. Hindi ka na rin gaanong pumapasok at napag-alaman ng tao ko na bukod sa banda na sinalihan mo ay may iba ka pang pinagkakaabalahan. Isang babaeng crew sa isang fatfood restaurant!"


Doon na kumuyom ang mga palad ko. "Pinaimbestigahan mo ako?!"


"I had to. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa buhay mo! Umaalis ka nga ng bansa na walang akong alam!"


"And what information have you gathered so far?" sarkastikong tanong ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang mga bagay na nahalungkat niya, kung kasali ba roon ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon namin ni Pamela.


"Na may kinalolokohan kang crew. Hindi naman mahalaga sa akin ang katayuan ng kahit sino'ng babae na idi-date mo, ang concern ko ay dahil alam ko na naglalaro ka lang. Naaawa ako sa mga babae na pinapaasa mo lang. Bakit nandamay ka pa ng isang crew na working student? Hindi mo naman seseryosohin pero pinapaasa mo!"

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon