Macario Karangalan Sandoval
A DIFFERENT PERSON.
Matapos kong ihatid si Pamela sa gilid ng street nila, pagkatapos niyang umalis at matiyak na wala na siya, agad na nabura ang kanina'y ngiti na nasa aking mga labi. Sa isang iglap, bumalik ako sa kung ano ako. It was like I was a different person.
Mali. Hindi ibang tao dahil ganito pala talaga ako. Ito iyong totoong ako.
Nakapamula na naglakad ako paalis. Sa labas ng subdivision nila ay pumara ako ng taxi papuntang White Plains.
"Here we go again," usal ko nang makarating na ang taxi sa tapat ng isang malaking puting bahay. Bumaba ako matapos magbayad sa driver.
Pagpasok sa loob ng malaking bahay ay sinalakay agad ako ng mapait at mabigat na pakiramdam. Galing lang ako rito last week at ayaw ko sana'ng tumungtong na naman ulit dito. I didn't want to be here, but I got no choice. Today was Giulia Rizzo-Sandoval, my grandmother's death anniversary.
The family dinner was about to end when I entered the spacious and elegant dining room. Alam ko, late ako.
Ang mga kamaganak sa father's side, mga pinsan ni Dad, ay naririto. Kasama ng mga ito ang kanya-kanyang asawa. Ang dalawang tiyahin ko na naririto at ang mga asawa ng mga ito, ay mga executives sa kompanya ni Granpa Mateo. My dad's only male cousin, my only uncle, the forty-five-year old Ariseo Bertudez, was the current COO.
My fifty-three-old father, Juancho Sandoval, was supposed to be the CEO of the company, but he had no interest in that position. Lulong si Dad sa politika at hindi nito dinadala ang pangalan ng kompanya. Because of that, the position of CEO remained vacant. Namumula ang mga hasang ng mga pinsan ni Dad, lahat ay target ang posisyon na iyon.
"Oh, the rockstar is finally here," nakangiting sabi ni Uncle Ariseo.
Si Dad ay tinanguan lang ako. Ang babaeng katabi naman nito ay matamis na nakangiti sa akin. Ito Lucilda Romualdez or Lulu, my young step-mom. The woman was only thirty-four. Maamo ang mukha, kulay pula na Sandovals' fitted dress ang hakab na hakab sa kurbadong katawan at sa leeg nito ay naroon ang choker na nagmumura sa laki ang golden LV pendant.
Lumapit ako sa dulo ng mesa, sa matandang lalaki na nakasuot ng purong itim na Amerikana, kay Mateo Sandoval, my Dad's father. Nagmano ako rito. "Good evening, Grandpa. I'm sorry I'm late."
Tinapik ng matandang lalaki ang palad ko. "At least, you came, hijo. Your Grandma Giulia in heaven will surely be pleased."
Kahit istrikto ang mukha ng matanda at kinatatakutan dahil sa pagiging perfectionist ay mabait ito pagdating sa akin. Ako ang nag-iisang apo nito dahil nag-iisang anak lang naman ako ni Dad.
Dito na rin ako naupo sa tabi ni Gradpa. Palaging bakante ang upuan sa tabi niya. Palaging nakalaan sa akin, dumating man ako o hindi.
Dahil tapos na silang kumain ay pag-uusap na tungkol sa kompanya ang paksa. Ang uncle ko na si Uncle Ariseo ay panay papuri sa branch na naririto sa Pilipinas. Ito kasi ang nangangasiwa roon dahil palagi namang nasa Italy si Grandpa. Umuuwi lang dito ang matanda kapag ganitong may okasyon.