Chapter 35

509K 17.1K 6K
                                    

ALAM KO NA MAY KASALANAN AKO. Pero may kasalanan din siya kung bakit kami nagkaganito. We both had our share of mistakes.


Pareho kaming may pagkukulang. Ang isa ay hindi nagampanan nang tama ang papel bilang lalaking asawa, habang ang isa ay nilunod ang sarili sa sobrang pag-iisip at kalungkutan. Subalit sino nga ba sa amin ang mas nasaktan?


Naka-moved on na si Macoy. Ikakasal na nang magkita kami ulit. Ako ay mula nang maghiwalay kami, hanggang sa ipagbuntis ko nang mag-isa si Macky, ay puro sama ng loob ang dinanas. Matapos kong manganak, ang dami pang paghihirap ng loob ang pinagdaanan ko.


Kung nagpasya man ako na magpakasal na rin sa iba at isantabi si Macky, hindi naman iyon desisyon na ginawa ko lang para sa aking sarili. It was for my family, too. The family who raised me, provided for me, yet the family that I let down when I got pregnant.


Despite the disappointment I gave my family, they still supported me during my pregnancy. Nararapat lang talaga na sumunod ako sa kanila bilang pagtulong na rin sa pamilya namin... and of course, pagtanaw ng utang na loob.


Gayunpaman, hindi mababago ang katotohanan na kahit kanino pa ako ipakasal ng pamilya ko, mahal na mahal ko pa rin ang anak ko. Husgahan man ako ng iba dahil sa mga desisyon ko, wala akong pakialam. Ako lang ang may alam ng tunay na pinagdadaanan at nararamdaman ko.


Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang marahang bumukas ang pinto sa aking kuwarto. Dahan-dahan ay humakbang si Macky papasok. Nauna ang kalahati niyang katawan. Bahagya siyang natigilan nang masilip niyang nakatingin ako sa kanya. Napayuko siya.


"M-Macky..." Pumiyok ako. "A-anak..." Isa-isa ng pumatak ang mga luha ko.


Humakbang siya hanggang sa makapasok ng tuluyan. Hindi siya makatingin sa akin. Kinukusot ng kanyang kamay ang kanyang damit. Kulang na lang ay magsumiksik siya sa pader.


"G-galit ka ba?" naluluhang tanong ko sa kanya.


Umiling siya. "P-Pampam, totoo ba?" Malat ang boses niya. "'Kaw ang nanay ko?"


Tumango ako matapos kong punasan ang aking mga luha.


Nagtubig ang kanyang mga mata. Bago pa magtago ang mga mata namin ay lumuha na siya. "S-sana sinabi mo agad..." Kinusot niya ang kanyang mga mata. "E-eh di sana di kita natirador..."


Napahagulhol ako.


"S-sana di ako nagpasaway sa'yo..." Iyak niya. "S-sana naging mabait ako sa'yo..."


Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kulang na lang ay lundagin ko siya. "A-anak ko..." Mahigpit ko siyang niyakap. "S-sorry... anak... patawarin mo ko..."


Gumanti siya ng yakap sa'kin. "M-Mama ko..."


And that word... is the greatest thing I've ever heard in my life. Kay tagal kong inasam ito – ang tawagin niya akong "Mama".


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon