Chapter 5

446K 12.7K 3.5K
                                    

Kahit gago si Macoy, never akong pinagbuhatan ng kamay ng ungas na iyon nong kami pa!


Totoo naman iyon. Ngunit bakit ko ba ikinukumpara? Magkaiba silang dalawa.


Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Ate Nita sa bahay. Napatayo siya mula sa pagkakaupo kasabay sina Mama at Papa. Sa hitsura nila ay mukhang kanina pa sila nakaabang sa akin.


"Anong nangyari?" bungad sa akin ni Ate. "Anong ginawa mo kay Donald?!"


"Ha?"


Gigil niyang ipinakita sa akin ang hawak niyang cellphone. "Kanina pa siya text nang text sa akin. Iniwan mo raw siya! Alalang-alala sa'yo iyong tao!"


Napayuko ako. "Sinaktan niya ako..."


Nagkatinginan silang tatlo.


"S-sinaktan ako ni Donald..." Pumiyok ako. "Mama, Papa, sinaktan po ako ni Donald!" sumbong ko sa kanila.


"So ayaw mo na, ha?" Pumamewang si Ate. "Hindi porke't sinaktan ka nang isang beses, ayaw mo na. My God, Pamela, pagsubok niyo lang yan!"


Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya.


"Nagdaan din ako dyan, nabugbog pa nga ako, e. Pero hindi ko sinukuan si Teo! Pasasaan ba at malalaman mo rin kung paano hulihin ang loob ni Donald. Maiiwasan mo ring makagawa ng mga bagay na ikakagalit niya para di na kayo mag-away. Look at me, maganda na ang buhay ko. Mayaman ang napangasawa ko, maayos ang buhay ko."


Maayos? Kelan pa naging maayos ang buhay ni Ate? Sa pagkakaalam ko ay balewala siya sa asawa niya. May pampasak nga siya sa luho niya, oo nga at sosyal na siya, pero para siyang trapo sa mga biyenan niya. At ni hindi nga magawang igalang ng asawa niya ang mga magulang namin. Nasaan don ang maayos?!


Umiling ako habang luhaan.


Lumapit sa akin si Mama at dinuro ako. "Hindi mo ba alam kung ano ang nakasalalay dito, ha?" Pinandilatan niya ako. "Nakasalalay sa'yo ang kabuhayan natin! Ikaw ang magsasalba sa amin, Pamela." Habang sinasabi niya ito ay para na rin niyang ipinagdidikdikan sa isip ko ang malaking responsibilidad na iniatang nila sa akin.


I was tired of hearing the same shit. Simula't sapul pa lang ay iyon na ang palagi nilang sinasabi sa akin. Masakit na sa tainga. Sawang-sawa na akong pakinggan.


Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko. "Anak, makinig ka," sinisilip niya ang mukha ko. "Bumalik ka kay Donald. Humingi ka ng tawad sa kanya, ha?" Napakalambing ng tinig niya. "Mahirap ng makabingwit ng katulad niya..."


Nang lingunin ko si Papa ay tulala ito sa gilid. 


Napapikit na lang ako.


"Isipin mo iyong lupa natin sa probinsiya, kapag hindi natubos iyon, pati mga tiyuhin mo ay mawawalan ng kabuhayan."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon