ARIES
10 years ago
If there is unluckiest person on earth it would be me. After birth, I was diagnosed with severe combined immunodeficiency (SCID). Isang pambihirang sakit na wala pang gamot na nadiskubre, pero sabi ng aking ate sa pamamagitan ng BMT or bone marrow transplant or blood stem cell transplant ay maaaring magamot ang ganitong uri ng sakit pero ito'y isang masilang operasyon kaya hindi muna tumaya sila ate na isagawa ang operasyon sa'kin. She said I need to be ready for this operation because it will be all or nothing case.
Sa loob ng labinlimang taon hanggang ngayon naghahanda parin sila ate sa magiging operasyon ko pero kahit nakalipas na ang ganito katagal na panahon hindi na ulit nababanggit ni ate sa'kin ang nasabing operasyon, kaya nawalan narin ako ng pag-asang gumaling sa sakit kong ito.
Ate stated that if she cannot find a 100% success rate for this operation, she will not risk my life by putting me through it. Tanggap ko narin naman na hanggang dito lang talaga umiikot ang buhay ko sa apat na sulok ng silid na ito.
Alam ko ginagawa ni ate ang lahat para mabigyan ako ng kalayaan at tuluyan ng gumaling. Kuntento na ako sa kung anong pwede niyang maibigay sa akin, gaya ng dalawang oras na kalayaan na ibinigay niya sa akin last month. At mas lubos ko iyong ipagpapasalamat kung sakaling iyon ang maging dahilan na magkaroon ako ng kaibigan sa labas ng aking mundo. Suntok sa buwan ang magkaroon kahit ni isang kaibigan man lang pero aasa akong may awa ang diyos sa akin, kahit itong munti kahilingan lang na ito ang tuparin niya kahit hindi na ang ako'y gumaling dahil alam kong himala na lang kung mangyayari iyon.
For now, I will deal with my books. They are my only tour guides; they have a lot of information that I was amazed by and would like to try, but sad to say, I can't. For the past 15 years, I've followed the same routine: wake up, eat breakfast, go to my virtual study, read books, eat dinner, and sleep.
"Boy!" Napa takbo ako sa receiving area pagkarinig ko sa boses ni manong Jude. "Dahan-dahan sa pagtakbo, ikaw na bata ka!" Hindi ako nakinig sa kanya at agad na lumapit.
"Ano po manong Jude, may reply ba sa sulat ko?"
Nakita kong biglang lumongkot ang kanyang mukha sa tanong ko, kaya alam ko na ang sagot wala talaga akong mapapala sa address na nakuha ko sa rooftop nong nakaraan. Sa labis na imahinasyon kong makahanap ng kaibigan sa labas ng pasilidad na ito nakalimutan kong may mga bagay na imposibleng mangyari.
Napa-angat ako ng ulo nang may ini sprayhan siyang puting sobre at isinilid sa sealed plastic. Nanlaki ang mga mata ko, yan ang ginagamit niya sa tuwing may ibinigay siya sa aking galing sa labas may chemical ang sealed plastic para hindi madapuan ng bacteria ang gamit na nasa loob. Lahat ng gamit na nasa loob ng silid ko ay kailangang dumaan sa masusing disinfection bago makapasok o magamit ko rito.
Dahan-dahan akong lumapit sa receiving machine, hindi parin maka paniwalang may nag reply sa sulat ko. Tinitigan ko ito ng maigi, walang naka sulat na kahit na ano sa labas, kung pagmasdan isa lamang itong pang karaniwang sobre ngunit sa akin ito'y isang mahalagang bagay na buong buhay kong ipag papasalamat sa maykapal.
"Thank you, manong Jude!"
"Walang anuman anak, sige mauuna na ako't ibibigay ko pa sa mama't ate mo itong mga sulat na para sa kanila."
BINABASA MO ANG
Destined, Destination
RomanceLove always finds a way to return home. Two people find comfort and love in unexpected situation. Are their hearts going to reach their final destinations? or they will be stuck in the past and lost direction?