Chapter 9

9 1 0
                                    


LIBRA


Nagising ako ng maaga dahil maaga rin naman ako nakatulog kagabi. Lumabas ako sa veranda ng aking silid at sinalubong ang malamig na pang-umagang hangin. Hinayaan kong hanginin ang aking buhok na hanggang balikat lang.


Morning vibe is really relaxing and good for your mindset. Gusto ko laging nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw dahil isa itong reminder sa akin ng bawat simula at katapusan na hindi natin maiiwasan sa buhay.


Nang lubusan nang magpakita si Haring Araw, bumaba na ako para maghanda ng agahan. Hindi ko na rin ginising si Mavy, total maaga pa naman. Mag-oorder nalang ako ng breakfast niyaat ipa suyo ko na lang pag bumaba siya rito.


"Good morning."


Nagulat ako, kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya.


"Good morning." awkward na sagot ko.


Akala ko tulog pa siya pero ito at tapos nang kumain ng sa tingin ko'y pancake.


Iba rin itong taong ito, parang wala lang kasama ah!


Dumiretso na ako sa counter at nag-order ng breakfast. I was walking towards an empty table but Mavy waved at me, so I didn't have a choice but to sit at his table.


Habang patungo ako sa kanya napatitig ako sa mukha niya. Noong mga nakaraang araw hindi ko lubusang napansin ang kanyang mukha dahil sa iritasyon ko sa kanya pero ngayon nakikita kong gwapo siya. He has a rough feature and a dark aura, but he has long and wavy lashes with almond-colored eyes. He also had a pointy nose that surely complimented his rough jaw.


So much for staring Lib!


Saway ko sa sarili ng nakitang kumunot ang noo niya. Ngumiti ako nang makalapit ako sa table niya.


"Sorry, I didn't mean to disturb you, so I'll eat first," ani niya ng makaupo ako.


May pa-disclaimer pa nga!


"No, it's okay." I fake a smile and I am assured that he won't notice it.


I mastered having a fake smile for almost a decade, so I know I'm good at pretending. Naloko ko nga ang sarili kong masaya ako, ang ibang tao pa kaya?


Umiling ako sa naisip.


What a life, right?


"Maghanda ka na at aalis na tayo after kong kumain ng breakfast," I told him nang makita ko ang pagkain kong dala ng waiter.


He nodded and left me.


Magaang meal lang ang pinili ko kaya mabilis akong natapos sa pagkain. Umakyat ako sa silid ko at naligo nang mabilisan, ilang minuto lang nakapagbihis na rin ako ng oversized t-shirt partnered with high-waisted shorts. Isinuksok ko sa unahang bahagi ng shorts ko ang front side ng t-shirt at hinayaang mag-loose ang sa back part.

Destined, DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon