Chapter 10

8 1 0
                                    

LIBRA


Pagdating namin sa isla, agad kaming naghanap ng matutuluyan dahil pareho na rin kaming pagod sa buong araw na paglilibot. Dahil sanay na ako sa mga pasikot-sikot sa lugar na ito, ilang minuto lang ay nakahanap na agad kami ng matutuluyan para sa araw na ito. 


"Where did you stay when you visited the lighthouse for the past few years?" Mavy asked.


Papasok na sana ako sa kuwarto ko nang magtanong siya kaya hindi ko tinuloy ang pagbukas ng pinto at hinarap siya.  Magkatabi lang ang mga kuwarto namin, kaya nasa harap rin siya ng pinto ng kuwarto niya.


"Isang buong araw lang akong naglilibot para sa tatlong lighthouse, I managed to do that for the past few years." Mahinang sagot ko.


"Oh, so this is your first time staying in the island?" Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.


"Are you really tired?" He suddenly added.


"Not really, why?"


"Can we enjoy the night of this island?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero may narinig akong hiya sa boses niya.


"Sige, ligo at bihis lang ako saglit tapos kita na lang tayo mamaya sa labas." He nodded, and we silently went inside our rooms.


Totoo ang sinagot ko sa kanya kanina. Hindi ako lumalagpas ng dalawang araw sa Batanes dahil lagi ko lang sinusunod ang mga dapat kong puntahan at pagkatapos ay aalis na, hindi gaya ngayon na may kasama ako. Kailangan ko ring isaalang-alang ang opinyon ng kasama ko.


It's not bad that I have him on this trip; actually, I felt alive, not the same as when I was alone traveling; I felt lifeless, and I just did what I needed to do, which was visited the places written in my itinerary.


Mahigit alas-siete na ako lumabas ng silid at pagkalabas ko nakita ko agad si Mavy na nakahilig sa batong dingding.


"Let's go?"


Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad. Ilan lang na sandali at nasa tabi ko na siya, sabay na kaming naglalakad. Ilang minuto na kaming naglalakad pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa.


"Ate Gienne!"


Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.


"Dahan-dahan baka madapa ka," sabi ko sa batang mabilis na tumatakbo patungo sa aking direksyon.


Agad akong lumuhod para mayakap si Tanchie, na-miss ko ang batang ito.


"Nobyo mo po ate? Hi kuya, ako po si Tanchie," nakangiting pakilala niya sa lalaking nasa gilid ko.


"Hello there, Tanchie. Ako si kuya Mavy," lumuhod rin si Mavy at nakangiting sumagot sa bata.


"At hindi ko siya nobyo," sagot ko sa una niyang tanong.

Destined, DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon