LIBRA
Hindi parin mawala sa isip ko ang mga inakto ni Maverick kagabi sa restaurant, buong gabi na siyang wala sa mood at nong bumalik si Barry para ihatid ang mga orders namin kulang na lang sakalin niya yung tao sa talim ng titig niya.Kaya ewan ko na lang kung ano ang magiging reaksyon niya na sasama sa amin ang accla sa pag gagala sa araw na ito.
Nagmamadali na ako sa paghahanda dahil gusto kong maunahan ang lalaki sa pagbaba, baka mapahiya ang bakla at hindi papasukin sa van ng damuho.
"Ano na acclaa, asan ka na?" Bungad sa akin ni Barry pagka sagot ko ng tawag niya.
"Inamo, ito't nagmamadali na nga. Excited yarn?"
"Di naman masyado pero plakado ako ngayon accla baka mabighani sa akin ang papa mong amoy dolyares." Nalolokang aniya.
Umiling-iling lang ako kahit di naman niya nakikita. Pagkababa ko nakita ko agad siya sa labas ng hotel at nagulat ako dahil nag expect ako na full make up siya dahil sabi nga niya plakado siya pero hindi naka polo shirt at khaki shorts ang lola nyo.
"Gagi, akala ko naka full make up ka bayet?" Gulat na tanong ko.
"Di ko na tinuloy, baka ma windang si papa dolyares at mabuntis ako ng wala sa oras."
Napa facepalm na lang ako at umiling-iling, ewan ko na lang talaga mamaya.
Ilang minuto lang kami naghintay ni Barry sa loob ng van ng pumasok si Mavy.
"I stopped by at your room cause I don't know you're already here--"
Naputol ang sinasabi niya ng makita niya si Barry sa tabi ko naka-upo.
"Why is he here?"
"Kasama natin siyang mamasyal ngayon, day-off niya kasi kaya pinasama ko na. Matagal na rin kaming hindi nagkikita ng isang 'to." Naka ngiti kong paliwanag sa kanya.
Nagtaas lang ng kilay ang lalaki at tuluyan ng pumasok sa van at umupo sa driver seat.
"Okay lang ba?" Pahabol na tanong ko.
"Yeah." Malamig na sagot nito.
Kinalabit ako ni Barry kaya napabaling sa kanya ang atensyon ko.
"Bakit parang wala sa mood yang turista mo kuno."
"Mukha mo ba naman ang bumungad sa araw niya." Natatawang pang-aasar ko.
"Ang bantot talaga niyang bibig mo kahit kailan." mahinang bulong niya sabay irap sa'kin.
Buong biyahe kami tahimik dahil na sense ata ng bakla na wala talaga sa mood ang lolo niyong dolyares. Umuna pa ito sa paglabas ng van paghinto ng sasakyan sa parking. Hindi masyadong kalayuan ang biniyahe namin pwede nga sanang lakarin mula sa hotel namin kaso baka di sanay si lolo mo nakakahiya naman diba?
Our first stop for today is Calle Crisologo. One of the most beautiful streets in the Philippines. Most of the houses that were built here are centuries-old stone houses; a few of the ancestral houses have also become restaurants that serve the famous Ilocos bagnet (deep-fried pork belly) or empanadas. Meanwhile, others have been converted into inns and souvenir shops for traditional Inabel linen.
"What is that?" Mavy exclaimed when he saw a carriage, or kalesa.
Nakita ko ang amusement ni Mavy sa kalesang dumaan halos hindi na bumitaw ang mga mata niya rito kahit nasa malayo na. Agad siyang humarap sa akin ng hindi na niya matanaw ito marahil ay naghahanap ng sagot sa tanong niya.
"Wala bang kalesa sa US?" Mahinang bulong ni Barry, siniko ko siya para tumigil dahil nakatingin sa amin ang lalaki.
"Kalesa ang tawag nung nakita mo kanina, a carriage in English." mahinang paliwanag ko habang nakatingin sa mga ngiti niyang masaya na may natuklasan siyang bago.
BINABASA MO ANG
Destined, Destination
RomanceLove always finds a way to return home. Two people find comfort and love in unexpected situation. Are their hearts going to reach their final destinations? or they will be stuck in the past and lost direction?