LIBRA
Triiiiinnnngg! triiiinnnnggg! triiiiinng!
Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Kinapa ko sa bedside table ang cellphone kong kanina pa tunog ng tunog dahil sa alarm. Alas-7 pa lang, jusko, ang aga pa. Puyat ako nitong mga nakaraang araw kaya sobra-sobra ang antok ko ngayon.
Napagdesisyunan kong matulog ulit dahil maaga pa naman. Alas-11 pa ang flight namin kaya matutulog muna ako kahit isang oras lang.
Hindi ko alam kung panaginip lang ba na may tumatawag sa pangalan ko, pero hindi ko na pinansin dahil inaantok pa talaga ako.
Naiinis akong tinakpan ang dalawang tenga ko ng unan. Bwisit, ingay na naman ng phone ko! At mas lalo akong nainis dahil alam kong hindi ito tunog ng alarm ko kundi call ringtone ko. Kinapa ko ang cellphone habang nakapikit at hindi na tinignan ang caller ID nang sumagot ako. Bubugahan ko ng apoy kung sino mang Poncio Pilato itong nang-aabala ng tulog ko.
"Wake up sleeping beauty."
Shiit!
Nahulog ako sa bed dahil sa gulat. The huskiness of his voice sent shivers through my bones. Gosh!
"Maverick?" napapaos na tanong ko.
What on earth is he doing? Why is he calling me? And why does he have such a good voice in the morning?
Wait! What did I just say? OMG, Lib, get back to your senses.
"Gising ka na?" he asked.
"Hmmm," I hummed in response because my brain cells can't function well right now.
I'm still out of it because this is how I am in the morning. I have this habit of staring at nothing when I wake up and doing nothing for a minute or so.
"Maghanda ka na, ayaw mo naman sigurong maiwan tayo ng eroplano, 'di ba?"
"What?" I exclaimed.
"It's already past 8, Sleeping Beauty," he sniggered, and I clearly heard it.
"Shut up!"
I ended the call and ran to the bathroom right away. I did all my morning routines in a flash, then I glanced at the clock on my bedside table while choosing my clothes.
It was already 9:45 in the morning when I went downstairs. Nakita ko si Mavy sa sala, busy sa phone niya. Tumayo siya nang makita akong pababa.
"Tama lang na ginising kita nang maaga-aga," sabi niya nang makalapit ako, sabay tingin sa wristwatch niya.
Oo na, ang tagal ko nang magbihis. Jusme, ganito naman ata talaga lahat ng babae, eh!
BINABASA MO ANG
Destined, Destination
RomanceLove always finds a way to return home. Two people find comfort and love in unexpected situation. Are their hearts going to reach their final destinations? or they will be stuck in the past and lost direction?