Chapter 5

8 1 0
                                    

LIBRA


Days passed like people in my life—they always come and go. Hindi sa di nila gustong manatili kundi ako mismo ang ayaw silang manatili sa buhay ko. Yes, I am cheerful and friendly, but deep down inside, I have built a wall that no one from the outside can penetrate. Nang pinapasok ko si Aries sa buhay ko umasa akong mananatili siya habang-buhay sa tabi ko kahit sa mga sulat lang pero nang mawala siya kasabay ni paps para narin akong isinama nila sa hukay. Buhay pero patay ang puso.


Si Sidrene ang nag-iisang rason kung bakit pinipilit kong magpatuloy sa buhay. Gayunpaman ayoko siyang hilahin sa masalimuot kong mundo, kung maaari gusto ko siyang maging masaya yung sayang hindi naka depende sa kung ano rin ang magpapasaya sa akin. Na alam kong hanggang ngayon ginagawa niya parin. At yun ang hindi ko hahayaang mangyari kaya gagawa ako ng paraan para makita niyang mas higit na maganda ang buhay kung pipiliin niyang maging masaya ng malaya.


Kumaway ako kay Phyl nang makapasok ito sa cafe.


"What is the matter, Gienne?" He asked right away when he reached my table.


Phyl is Sidrene's long-time boyfriend. They've been in a relationship for 5 years now. Sa pagkakatanda ko nagkita at nagkakilala ang dalawa nang magbakasyon kami ni Sid sa Spain five years ago.


"Relax, will you?" Natatawang saway ko sa kaharap, Kung makamasid ito sa paligid dinaig pa ang magnanakaw sa colon.


"Sa mga pagkakataong ganito kinakabahan ako." Mas lalo akong natawa sa punto ng pagsasalita niya ng tagalog, Phyl is half Canadian.


Mas lalo akong natawa ng may naalala, nasabi sa akin ni Sid na kaya niya nagustohan ang lalaki ay dahil sa balbas nitong  kawangis raw ang isa sa mga isla ng hundreds island sa Pangasinan. Napatingin ako sa lalaki sa na isip, si Phly ay isang typical na Canadian guy, Mestiso na tipong kung ibabad mo sa araw ay namumula na parang hipon na ibinabad sa mantika, Matangkad rin ito na mahihiya kang tumabi dahil katutubong pinoy ang height mo at alam mong sa unang tingin pa lang babad na sa gym dahil sa mga muscles nito na bakat sa suot na T-shirt, Matangos rin ang ilong nito na kung ikaw ang ka nose to nose good luck nalang sa ilong mo.


"Kaya nga tayo mag-paplano ng maigi para 'wag kang kabahan. Just trust me, okay?" He nodded, nakipagkita ako sa kanya ngayon para idiscuss ang plano namin tungkol sa proposal niya kay Sid.


"What if she said no? Fuck, I hope not." He frowned.


Natatawang napapa-iling nalang ako, He really loves my best friend; I can see it in his eyes.


"Basta sabihin mo sa kanyang na delayed ang flight niyo ng mga ilang araw kaya hindi kayo makaka-uwi at hindi makaka-abot sa kaarawan ko"


"You think she would not be hysterical when she knew that?" He sturdy said.


I bet she is!


"And you think she will not be mad at you or at me when she finds out about this?" Phyl is seriously thinking right now.

Destined, DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon