LIBRA
Kasama ng lahat ng nararamdaman at naranasan ko sa Pagudpud iiwan ko ito roon at mananatili lang hanggang doon. Bago dumating ang lalaki sa buhay ko ang orihinal kung plano ay mag travel sa huling pagkakataon dahil gusto ko nang maka-usad, ayaw ko nang mabuhay sa nakaraan at sakit na idinudulot nito. Pero dahil dumating si Maverick ang lahat ng plano ko ay naglaho na parang bula.Maybe I was excited the way of how my heart reacted to him. Sa loob ng mahabang panahon kahit kanino man hindi ako nakaramdam ng ganoon, at dahil doon para akong bumalik sa umpisa na parang unang nag dalaga.
Noong inamin ko sa sarili kong mahal ko na si Aries hindi ko ito lubusang pinagtuonan ng pansin dahil alam kong baka ito ay hindi talaga pag-ibig at isa rin iyon sa dahilan kung bakit matagal kong inamin sa kanya. Ngunit nung hindi na siya nag-reply sa mga sulat ko doon ko nalaman kung gaano ko siya ka mahal na kahit hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang sakit ng paglisan niya.
For the first time in a decade, Maverick awakened my long-lost heart that I thought had been left to me for ten years. He puts a new flame in the scattered ashes of my burned-down affection. And it made my mind lose its rationalism to think what's right and whatnot.
"We're here." Maverick said, that made my series of thoughts disappear.
Bumaba ako sa van ng hindi siya pinapansin, hindi rin naman siya nag a-attempt na kausapin ako kaya hindi mahirap sa akin ang i-distansiya ang sarili sa kanya.
Dinama ko ang ihip ng preskong hangin ng La trinidad, I'm home again.
"Gorgienne!"
"Tatang Ben."
Winagayway ko ang aking mga kamay sa matandang tumawag sa akin.
"Aba'y isang taon lang tayong hindi nagkita, ang laki na ng pinagbago mo ineng mas lalo ka atang gumanda." ani ni tatang Ben ng tuluyan ng makalapit sa'kin.
"Aba'y bolero pa rin ho kayo hanggang ngayon tata." birong sabi ko sa matanda sabay yakap sa kanya.
Niyakap naman niya ako pabalik, isa si tatang Ben sa naging kaibigan ni paps noong mga panahong sila pa lang ni mams ang nag-tatravel sa itinerary na naipama niya sa akin .
"Akala ko'y hindi ka na tumuloy dahil lagi naman parehong araw ka dumarating sa mga nag daang taon."
"May pinuntahan lang ho muna kaya na delay ng dalawang araw tatang." malambing na sabi ko sa matanda.
Inakbayan ko siya para sana yayaing maglakad pero nag ugat ang kanyang mga mata sa lalaking papalapit sa amin. Maverick is carrying the two backpacks which included mine. Sa sobrang excited nang makita si tatang nakalimutan kong may bagahi nga pa la ako.
"Iyo ang bag na iyon ineng hindi ba?" naguguluhang tanong ni tatang habang nakatingin parin sa lalaki.
Binigay sa akin ni Maverick ang backpack ko pagkarating niya sa kinaroroonan namin ni tatang. Pabalik-balik ang tingin ni tatang sa amin ng lalaki.
"Opo tatang sa akin po ito." sagot ko sa tanong niya kanina sabay pakita sa bag na nasa likod ko na ngayon.
"Si Maverick po tatang turista sa agency namin ni Sid." pakilala ko sa lalaking nasa harap namin ngayon.
"Maverick this is tatang Ben, my God father." sabi ko kay Maverick.
"Nice to meet you po." He extended his hands to tatang.
"Ikinagagalak din kitang makilala hijo." malumanay na sabi ni tatang.
"Hali na kayo at mananghalian na tayo, sigurado ako gutom na kayo." ani tatang bago kami akayin pababa.
BINABASA MO ANG
Destined, Destination
RomanceLove always finds a way to return home. Two people find comfort and love in unexpected situation. Are their hearts going to reach their final destinations? or they will be stuck in the past and lost direction?