Chapter 3

12 1 0
                                    

Present

Libra


Buhay ko na ang gumala, pumunta sa iba't ibang lugar, dumiskubre ng kagandahan ng bawat yamang lupa na ipinagmamalaki ng ating bansa. Pero higit pa doon mayroon akong hinihiling na makita sa bawat lugar na aking dinadayo. At halos isang dekada na akong naghihintay at naghahanap pero ni anino niya hindi ko makita.


"BESHYYYYYY!"


Ka muntikan na akong mahulog sa swivel chair sa mala sunog na sigaw ni Sid.


"Tang-inang bibig yan Sidrene, maawa ka naman sa eardrums ko bwiset ka."


"Apaka OA huh!"


"Putik! kung OA tong reaction ko ano nalang kayang tawag niyang sayo." Binato ko sa siya ng journal notes ko, buti na lang sanay sa batuhan to nung grade school kaya magaling umilag.


"Gagi, ka Libra ang bigat nitong binato mo."


"Buti nga sayo."


"Ba't kasi lutang ka na naman? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero wa epek ang silent call sa iyo kaya itinodo ko, hehehe"


Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Binalewala ang sentimento niya, masakit parin ang tenga ko sa lakas ng sigaw niya, tinapat ba naman ang bibig niya sa tenga ko. Langhiyang nilalang.


"Tumawag si tita Den sakin kagabi."


"Oh, anong sabi?"


Nasa computer parin ang paningin ko habang nakikipag-usap sa kanya. Kailangan na bukas ang itinerary na ito para sa bagong mga turista na darating bukas.


"Bukas na daw magpapadala ng exact time at itinerary iyong i'exclusive tour mo."


"Bakit may nahihimigan akong kakaiba sa huling tinuran mo?"


Napa-angat ang isang kilay ko, di nagustuhan ang gustong ipahiwatig ng baliw kong best friend.


"Well, next month is your 25th birthday. I think it's about time to spread your legs este wings-----


Binato ko ulit siya. But this time it's the encyclopedia flew onto her. Mabilis na tumakbo sa likod ng sofa ang gaga.


"I'm just concern you know. Hanggang ngayon hindi ka parin nakakapunta sa artificial heaven hihihihi."


"Shut up Sidrene!"


"Gosshh! sarap kaya makapunta sa rurok--- Aray, Libra!"


"Titigil ka o bubusalan kitang gagi ka!"


Destined, DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon