Chapter 7

8 1 0
                                    

LIBRA


"Where is your hotel?" I ask the man beside me.


Gusto ko sana siyang pagsabihan na sa back seat na lang umupo dahil hindi ako komportable na sa passenger seat siya uupo. Pero dahil nga sa makapal ang apog ng lalaking ito hindi pa ako nakasakay ay nasa passenger seat na siya naka seatbelt na nga.


Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya tumingin ako sa gawi niya habang inaatras ang kotse pero bigla kong na apakan ang preno ng makita ko siyang salubong ang kilay.


I give him the what-the-heck look.


"You should be the one to know which hotel I'll stay in." He said, still browsed furrowed.


"Excuse me, why would I?" Malditang tanong ko.


Hindi uubra sa akin ang sungit ng isang to sa dami ng mga taong nakakasalamuha ko dahil sa uri ng trabaho mayroon ako hindi na bago sa akin ang mga ganitong ugali. May mas malala pa akong foriegner na nakasagutan dahil sa sobrang bossy at sungit akala mo naman presidente ng Amerika kung maka asta ang kanong iyon.


"You're the tour guide that Tita Den's hired for me, right?" sarcasm is all over his voice.


Isa nalang talaga at masasapak ko na ang mayabang na to, akala mo naman anak ng bilyonaryo kung maka asta.


"You failed to fetch me on time and then now I think you also forgot to book me a hotel, what kind of servi---


Natigil siya sa pag ra rant nang bigla kong tapakan ang preno at tinignan siya ng masama. Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim bago magsalita.


"For your information mr. wala akong alam sa flight details mo dahil nakalimutang isend sa'kin ni Tita, kaya hindi ka na sundo on time at hindi ka na book ng hotel. Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating gago bakit hindi nalang ikaw ang nakipag usap sa akin ng diretso ikaw naman itong uuwi." I blurted out.


Mapagpasensya akong tao pero hindi ko alam kung bakit ang sama ng timpla ko sa lalaking ito, he brings out the demons in me.


Pagkatapos kong magsalita hindi na siya kumibo at sa labas na lang nakatingin. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang mga sinabi ko pero wala na akong paki doon.


Kinuha ko ang phone ko at nilagay iyon sa phone holder ko sa gilid ng steering wheel. I started dialing the phone number of the receptionist I know. Dahil na rin sa trabaho ko kailangan din namin makig pag coordinate sa hotel para sa mga tutulugan ng aming turista.


"Hello gorgeous Gienne?" Jessyla, receptionist ng Shangri La mactan.


"Good morning bolerang Jess." birong sagot ko.


"Unsay ato?"


"Siya unta." Biro na namang sagot ko at tumawa ng malakas ang nasa kabilang linya.


Destined, DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon