Chapter 6

8 1 0
                                    

­­ARIES


Ilang linggo na ang nagdaan simula ng pumunta sila ate at mom sa amerika ngunit hanggang ngayon hindi parin sila umuuwi. Labis akong kinakabahan na baka may nangyaring hindi maganda sa amerika kaya hindi pa sila nakaka-uwi. Hindi ko maiwasang hindi mag overthink lalo't alam ko kung gaano ka silan ang proseso ng operasyon ko. Sa loob ng halos isang buwan, nag-iisip ako ng mga bagay-bagay na maaaring mangyari sa akin habang nasa operasyon. Alam kong sinabi ko dati na handa na ako sa kung anuman ang pwedeng mangyari sa akin pero ngayong nakilala ko sa Libra at unti-unti kong naiintindihan sila ate at mom parang pinanghihinaan ako ng loob at gusto ko nalang manatiling buhay para sa kanila ngunit na isip ko rin mas magiging masaya sila kung gagaling ako sa sakit na ito at makapamuhay ng normal at malaya na gaya ng karamihan.


Nag-iisip ako ngayon kung paano ko sasabihin kay Libra na may posibilidad na pupunta ako ng amerika para magpa opera. Gustohin ko mang I-assure siya pero ayaw kong masaktan at umasa siya na babalik ako ng buong-buo dahil sa punto ng buhay ko ngayon wala pang kasiguraduhan ang lahat.



How am I supposed to tell her to wait for me, kung ang bawat bukas na mayroon ako ay walang kasiguraduhan.


Biglang sumikip ang aking dibdib sa isiping iyon, iniisip ko pa lang na hindi na siya magiging bahagi ng buhay ko kung sakaling babalik ako rito sa Pilipinas para nang pinipiga ang puso ko na hindi ko maintindihan. Sa dami ng libro na nabasa ko hindi bago sa akin ang kahulugan nitong nararamdaman ko.


"Ano ang iyang hawak mo anak?" Si papa Jude.


"Mga mahahalagang bagay na gusto kong dalhin kung matutuloy kami sa amerika papa, gusto kong alalahin ang mga importanteng tao sa buhay ko at ang magpapa-alala nila sa akin." Tinignan ko siya nang mariin, Isa siya sa pinaka importante tao at bahagi ng buhay ko.


"You want help?" He cheerfully asked that showed his white teeth.


"Just bring me a sketch pad, papa, and a plastic cover, please." Inilatag ko sa carpet floor ang mga sulat at ang mga pictures na pinapadala sa akin ni Libra.


Tatalikod na sana si papa nang magsalita ulit ako "And also, can you please give me any kind of your pictures that you have." ani ko sa pinaka malambing na boses na mayroon ako.


Ngumingiti siyang umiiling sa akin. "Sige, lalabas lang muna ako saglit para bumili ng sketch pad at sanitize plastic cover na kailangan mo at mag papa-print narin ako ng wallet size na pictures ko at mga pictures natin na magkasama."


Naningkit ang mata ko sa sobrang pag ngiti sa narinig, hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti sa nakaraang buhay ko at biniyayaan ako ng mga mabubuting tao sa paligid ko.


Minsan naisip kong napaka malas ko dahil nagkaroon ako ng ganitong klaseng sakit. Sa mga pighating aking naranasan sa nakalipas na ilang taon ng buhay ko palagi kong tinatanong ang panginoon, bakit ako? Ano bang nagawa kong mali? Ngunit hindi ko nakita ang kahalagahan ng buhay, na may mga taong gustong-gusto mabuhay pero tumigil na ang pagtibok ng kanilang puso, may mga sanggol na isinilang pero kahit segundo hindi naranasang huminga at makita ang mundo. Imbes na ako'y magalit at magdamdam sa kung ano ang sitwasyon ko ngayon dapat pa akong magpasalamat dahil sa kabila ng komplikasyon ng aking sakit patuloy parin akong humihinga.

Destined, DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon