CHAPTER 3

44 6 0
                                    

CHAPTER 3

Tumingin ako sa salamin at nag suklay ng buhok, dahil may lakad nanaman raw kaming mag to-tropa. hindi ko alam kung bakit ba ako sasama sakanila basta gusto ko lang makalanghap manlang ng sariwang hangin ngayon. pero hindi naman sana sa bar ang punta namin ngayon no? dahil kung bar talaga kakaltukan ko 'tong mga tropa ko. Natigil ako sa pag usap saaking sarili ng tumunog ang phone ko na agad ko rin namang sinagot.

"Hello? bakit sab?" saad ko rito ano kayang trip nito?

"Huy pre wag ka magalit sa pupuntahan, and please stop calling me sab nga. mukhang babae tssk" saad naman nito sa kabilang linya.

"Don't fucking tell me sa bar tayo?!" saad ko rito.

"Hindi naman sa ganun pre. pero parang ganun na nga bawal humindi ha" saad nito at humagikhik pa bago e-end ang tawag niya.

Siraulo talaga tong si sabaki, tatamaan na talaga saakin to.

"Huy pre, bakit ngayon ka lang?" saad ni asa-kun.

Bakit nga ba asa-kun? hindi ko kasi gusto na tinatawag siyang asakura, 'tong si sabaki naman ang nawala makakatikim na talaga saakin 'to.

"Asan si sabaki pre?" pag tatanong ko kay asa-kun.

"Malamang nasa chismis nanaman 'yun pre" saad nito at tinungga ang inuming nasa harap niya.

Ang ingay rito sa bar, maririnig ang mga tugtog at maraming tao na nag sasayawan sa harap. hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa dalawang 'to. pero may side saakin na gusto kong sumama kahit hindi ko alam kung anong meron dito na para bang dala ako ng kuryusidad ko. Hindi ko first time makapunta sa bar pero nacu-curious ako hindi ko alam kung bakit. Natigil nanaman ako sa pag iisip ng matigil ang musika at ang pag salita nang babaeng nasa harap.

"Etong babae na 'to! malandi siya!" sigaw ng isang babae at hila-hila ang buhok ng isang pamilyar na babae saakin.

"Wala akong nilandi o inagaw sayo! h'wag mo akong baliktarin! at bitawan mo nga ako!" sigaw naman ng babae na bitbit nung babaeng may hawak sa mic.

Ano bang nangyayare? at sa bar pa sila mag aaway or they can talk about it privately at bakit need pa na may ipahiyang isa sakanila?

"Grabe naman! kawawa yung isa!" saad ng isang babae sa gilid ko.

Nag sisigawan na ang mga tao ng madagdagan pa ang kasamahan nang babaeng may may hawak sa microphone. Nagulat ako ng basagan nila ng babasagin sa ulo ang babaeng hawak-hawak nila kanina. Akmang pupunta na ako sa harapan ng pigilan ako ni asakura.

"Wag kang makialam pre. hindi natin alam ang nangyayare" saad nito.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko ng pag susuntukin at sabunutan nila ang babae.

"What now?! mag susumbong ka sa ate mong hipokrita ka?! malandi!" sigaw nito.

Humakbang ako palapit ng maaninag ko ang isang babaeng paakyat ng stage. akmang sasampalin na nang babaeng may hawak sa microphone ang hawak-hawak niyang babae ng biglang sanggain 'to ng misteryosong babae na kararating lang.

"Try to touch my sister."

"And what huh?" saad ng babaeng may hawak sa mic ng mag salita uli ang babaeng kararating lang na may halong ngisi.

"And you're dead." saad naman nito na ikinaatras ng mga babaeng pinag tutulungan yung isa.

"Ano ba?! wag kang makialam!" saad ng isa sakanila.

"And why? kapatid ko siya. at pinag tulungan niyo siya tama ba?" niyakap nito ang sinasabi niyang kapatid at nag lakad palapit sa babaeng leader nila na naunang sumugod sa babaeng kinawawa nila kanina.

"Ang astig niya pre" nagulat ako ng sumulpot tong si sabaki.

Mas ikagugulat ko pa pala ang susunod na mangyayari, tumunog ang isang malakas na sampal galing sa babaeng kararating lang.

"Once malaman ko na hinawakan niyo uli ang kapatid ko o maski ang mga buhok niya, hindi lang 'yan ang matatanggap niyo." saad nito bago hawiin ang nag kagulo-gulong buhok nang babae.

Wait? is it possible? hindi naman ako uminom pero parang namumukhaan ko ang babaeng kinawawa nila.

"Pre, balik na sa table natin." saad ni asa-kun na agad ko namang sinunod.

Bumalik kami sa pwesto namin at ang dalawa ay uminom na uli, samantalang ako malalim ang iniisip. kaya ba gusto ko tulungan yung babae? or namamalikmata lang ako? hindi naman ako uminom eh. Tumayo ako at pumwesto sa gilid ni sabaki dahil napansin ko 'yung isang grupo ng mga babae na namumukhaan ko kanina na pinag tatawanan yung ipinahiya sa may harapan.

"Sayang kasi dumating yung ate tssk" saad ng isa na ikinatawa naman ng iba.

"Hayaan mo sis kapit ate naman 'yan sa susunod idadamay na natin 'yung ate niya" saad naman ng isa.

"Tssk pareho naman silang dalawa na malandi eh." saad nung isa at tinungga yung nasa basong hawak niya.

Nakikinig lang ako sa usapan nila rito at nag tatawanan pa sila, niyukom ko ang kamao ko. bakit para sakanila madali lang ang ipahiya ang isang tao? paano kung sakanila gawin yun? psh, parang lalaki lang pinag aawayan na nila. pogi ba 'yan?

"Wala raw siyang inagaw? tssk kasinungalingan masyadong pa-victim" saad nung isa sakanila.

Gusto ko silang lapitan at tanungin kung bakit gusto nila ang namamahiya ng tao at gusto ko sana silang tanungin kung pogi ba 'yang pinag aagawan nila tssk. baka malaman ko hindi yan worth it tapos sinugod niyo yung isa? Natigil ako sa pag mumuni-muni ng mag pasyang lumapit na sana sakanila, ngunit napansin ko ang babaeng pinag tulungan nila. nag kusot pa ako ng aking mga mata para masiguro ko na siya nga talaga ang nakita ko "b-buwan?" saad ko sa isang hindi malamang dahilan. possible bang siya 'yun?

"huy yama!" sigaw ni asa-kun.

Hindi ko nalang siya inintindi at tumakbo na sa kinaruruonan ng babaeng nakita ko, possible ba na siya si buwan? sa dami ng tao rito paano ko siya hahanapin?.

"buwan!" sigaw ko at inikot ang paligid ko. asan kana ba? marami pa akong katanungan sayo. Tumakbo ako palabas ng bar at nakita ko uli siya. pero pasakay na sa sasakyan.

"Uy tol bumalik na tayo sa loob" saan ni sabaki at hinawakan ako sa balikat.

Hinawi ko ang kamay niya at tumakbo para habulin ang sasakyan "buwan! ikaw ba 'yan? mag usap tayo!" sigaw ko rito na ikinataka naman ni sabaki.

Hindi ba niya ako naririnig? buwan naman. marami pa akong tanong sayo eh. saan nanaman kita hahanapin ngayon? damn.

▼•▼•▼•▼•▼•

Won't Stop Loving You Under The Moonlight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon